Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Iniisip kita ngayon. Di ko alam kung galit ba ako o namimiss lang kita. Kung galit ako, sa anong dahilan? Di rin ako sigurado kung kanino ba ako mas galit, sayo ba o sa sarili ko. Hindi naman daw masamang magmahal pero bakit ganun, parang ayoko nang maniwala. Kasi naman, sa unang pagkakataon na nagmahal ako… Sobra sobra akong nasaktan at patuloy na nasasaktan hanggang sa ngayon.

Mali ba na mainlove? Akala ko kasi masaya. Hindi pala. Yung akala ko totoo na, laro lang pala para sayo. Dyan ka kasi magaling eh, sa paglalaro ng mga video games, pero bakit pati feelings ko pinaglaruan mo? Yung puso ko, durog na durog na, ang sakit sakit. Bakit ko ba hinayaang mangyari to?
Nakakainis ka, alam mo ba yun? Mas nakakainis pa kasi wala naman akong karapatan na mainis o magalit sa iyo. Paano ba naman, hindi naman kasi tayo. As in wala. Ako lang naman yung umasa, kasi sa totoo lang sobrang paasa mo. Akala mo ba sobrang dali sakin ng ganito? Andaming beses ko nang pinigilan ang sarili ko sa mga pagpapapansin mo. Hoy, oo kaya, papansin ka.

Pafall ka. Kahit anong taas ng pader pa yung itinayo ko sa palibot ng puso ko, nabuwag mo. Wala eh, malakas ka masyado. Ang galing galing mo kasi, di ko na alam anong ginawa mo pero parang hinayaan na rin kitang makapasok. Haist. Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko. Kasalanan ko naman pala. Naging marupok ako.

Ako yung talo kasi ako yung unang natuluyan. Ako yung na-fall. Di naman kasi ako nainform agad na landian lang pala sayo yun. Pasensya na. Siguro, dapat ko na lang tanggapin ang mga nangyari. Na kahit magalit ako sayo o sa sarili ko, di mawawala yung katotohanang nagmahal ako, kahit sa maling tao. Bakit? I am entitled to my feelings. Valid yun. Kahit pa di mo nareciprocate. Tatanggapin ko na lang.

Okay din naman yung pinagsamahan natin eh. Masaya. Nakakatuwa, nakakakilig. Madalas din ang deep ng pinaguusapan. Naramdaman ko talaga yung connection. Kapag tumitingin ako sa mga mata mo, at ganun ka din sa akin. Pero wala eh. Nag-expect pa ako ng more than dun. At nagkamali ako. Kasi hindi ka pa pala handa. Hindi mo yun sinabi sa akin. Pero naramdaman ko nung nagumpisa na akong magkadevelop ng feelings.

Oo, sumugal ako. Na kapag pinaramdam ko sayo na gusto kita, magiging seryoso na to. Pero maling mali. Kasi bigla kang lumayo. Tinakasan mo ako. Iniwan mo yung feelings ko na lumulutang sa ere. Buong akala ko sasaluhin mo ako. Ngayon sobrang sakit ng pagkakahulog ko.
Pero tama na. Ayoko na. Kailangan ko na ulit bumangon. Ayoko nang malungkot pa kakaisip na sana naging tayo, na sana pwede pang maging tayo. Ayoko na mag-expect pa. Ayoko nang dagdagan ang sakit. Gusto ko ulit mabawi ang sarili ko. Gusto ko namang unahing mahalin ang sarili bago ang iba. Gusto kong busog na busog ako ng self-love para yung susunod kong mamahalin, mahihiyang sayangin ako. Kasi I know, I deserve the same love that I give and willing to give.

I deserve to be pursued. Hindi ko deserve ang ninja. I deserve a warrior. Yung hindi humihinto sa gitna ng laban. Yung hindi sumusugod ng walang patutunguhan. Yung matapang na harapin yung feelings nya.
Huling mensahe ko sayo, salamat. Oo, salamat pa rin. Sana lang, tigilan mo na ang pagiging ninja. Yung lang. God bless you.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required