Unti-unti na akong nasasanay sa mga malalamig mong reply.

Unti-unti ko na din natutunan na wag ng maghintay.

Sa mga “OK” mong sagot, na para bang napipilitan pa.

Kahit na ang tanong ko naman ay kung “Kumain ka na ba?”

Hindi na din ako magsesend ng mga Good Morning text.

Hindi na din kita gagawan ng tula dahil pinapasa mo lang sayong X.

Tatanggalin ko na ang Notification sa mga bawat post mo.

Sana hindi ko na lang inamin na ikaw ang aking gusto.

Hindi na din magtatanong ng ‘yong bawat ginagawa.

Hindi na din ako magpapapansin at magmamaka-awa.

Hindi na din kita kukulitin na tanggapin ang mga bulaklak.

Hindi na din magpupunta sa inyong bahay para palabas itulak.

Hindi na din susubok na umakyat ng ligaw,
Kahit na ang tinitibok ng puso ko ay ikaw.

Hindi na din maghabol na parang aso,
dahil pakiramdam ko, ako’y nakatali habang hawak mo ako.

Hindi na din lilibutin ang iyong malawak na mundo,
at di na ako papayag na maging taga sundo.

Hindi na din ako magugulat kapag ako ay iyong pinalayo,
dahil alam kong hindi malabo na magkabalikan kayo.

Hindi na din ako papayag na maging sunod-sunuran,
at pagkatapos ng lahat ay bigla mong tatalikuran.

Hindi na din bubuksan muli ang puso sa iba.
Dahil nangako ako na ikaw lang diba?