How To Get Away With Heartbreak?
Categories Relationships

How To Get Away With Heartbreak?

Minsan mo na rin bang tinanong sa sarili mo kung paano mawawala yung sakit na naramdaman mo kasi iniwan ka ng taong di mo ine-expect na iiwan ka? Well the sad thing is, you really can’t escape the pain. You have to feel it. Acknowledge it. Endure it. Hanggang sa isang araw, gigising ka nalang na parang wala lang… Di mo na nararamdaman yung sakit. Tapos matutulog ka na wala na yung bigat na nararamdaman mo nung mga nakaraang buwan (o taon). Pain is inevitable, yes. Pero we must know that pain is also temporary.

Kaya naman kasi tayo nasasaktan kasi alam nating binigay natin lahat . And that’s when you’ll know you’ve loved truly and fully, kapag sobra ka ring nasaktan… Kaya hayaan mo na. Kung naiiyak ka, umiyak ka. Kausapin mo si God sa mga panahong ‘to kasi only He knows the answers to your questions. Kung nasasaktan ka, damhin mo lang yung sakit. Buti nga nasasaktan ka, atleast alam mong buhay ka.

So how do we really get away with heartbreak? Well, to honestly tell you, walang shortcuts. Pwedeng takasan pero it will haunt you someday, ayaw mo naman siguro ‘yung ikaw di pa okay pero sila okay na ‘di ba? Mas masakit yun.

Gaya nga ng sinasabi nila: it may hurt to wait, but know that the pain you had will someday be replaced by happiness. ‘Yung happiness na akala mo ‘di mo deserve pero binigay ni God. ‘Yung happiness na masasabi mo nalang sa sarili mo na: “Buti nalang pala nasaktan ako noon,”

Mayroon akong napanood na movie na kung saan nasabi doon, ang pagiging broken hearted ay isang blessing. Kapag hindi ka na nasasaktan, doon mo malalaman na tapos na talaga (malamang!). Kaya dapat daw hangga’t nasasaktan ka, damhin mo!

Saka hello, nagawa mo ngang magmahal nang sobra sa maling tao, paano pa kaya kung sa tamang tao na, hindi ba?