Mahal di ko alam kung saan ko sisimulan

Sa kung saan ba tayo ay nagkakilala

O sa kung saan tayo ay natapos

Mahal sa ngayon ang dami kong tanong

Ang dami kong gustong sabihin

 

Dati masaya tayo,

Dati di natin kayang mawala ang isa’t-sa

Dati hindi tayo nag aaway

At ang lahat ng yan ay dati na

 

Mahal sa ngayon di ko pa alam kung paano ka i let go

Di ko pa alam kung paano ka kalimutan

Ang tanging alam ko lang ay mahal pa rin kita

Ang tanging alam ko lang gusto ko ikaw pa rin ang kasama ko

 

Sa ngayon hirap pa akong mag move on

Sa ngayon nalulunod pa rin ako sa sakit

Di ko alam kung sino ba ang nagbago

Ikaw ba? Ako ba? o Tayo?

 

Ang pag wawakas natin ay isang alala na lang

Alaala na lang ang salitang tayo

Alaala na lang ang lahat sa pagitan nating dalawa

Alaala na lang

 

Sa ngayon di ko pa kaya

Sa ngayon ang hirap pa para sakin

Pero alam kong sa ngayon lang to

Dahil darating ang araw na makakalimutan rin kita.