Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Gustong gusto kita mahal na mahal pa nga. Pero hindi na tama ipaglaban ang nararamdaman ko.

 

Sa huling liham na to, ay ang pamamaalam ng pagmamahal ko.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


 

Minsan may nagsabi sa akin. Na ako ay dapat ingatan dahil kapag ako raw ay umayaw, ay wala nang balikan. Pero sayo paulit ulit na bumabalik ako. Ngunit sa pagkakataong ito, dito na matatapos ang kahibangan ko.

 

Oo, ‘di mo hiningi pero kusa kong binigay sayo, at masyado nang marami ang aking sakripisyo, mga bagay hindi naman nararapat para sayo. Dahil halos lahat ng oras ko, pagkatao ko, maging ang pagpapahalaga ko sa sarili at pagmamahal na dapat para sakin, pati yun ibinigay ko sayo. Atensyon, kalinga, maging ang pagsuporta sayo sa kabila na kahit sarili ko na ang nakasakripisyo.

 

Sige ok lang. Pero tama na. Ubos na. Mag iipon muna ulit ako, para sa susunod totoong tatanggap sakin.

 

Patuloy tayong mag papaulit ulit na masasaktan sa mga bagay na di natin kaya bitawan. Kasi nga, I’m always moving forward. But you still keep on stepping backwards and holds on to your past. If you really love your past, go back and never let it go again.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required