Naaalala mo pa ba?
Yung mga araw na nais kitang makita.
Makikinang na mata sa bawat oras na kasakasama ka.
Ngiting di mapawi pag kaharap ka na.
Naaalala mo pa ba?
Kung paanong ang kamay ko ay lumalapat sa palad mo?
Kung paanong ang yakap mo ang nagbibigay init sa malamig kong mundo.
Kung paanong ang haplos mo ang bumubuhay sa dugo ko.
Na sa bawat pag sambit mo ng ngalan ko ay napapangiti ako.
Naaalala mo pa ba?
Kung paano mo ipinangako na ako at ako lang ang mamahalin mo sa araw araw.
Naaalala mo pa ba?
Yung mga umaga na pag mulat ng mata ikaw ang unang nakikita.
Yung mga umaga na tanging mainit na yakap at halik sa noo ang binubungad.
Mga araw na halos hindi na ninanais matapos. Sabay sambit ng ” Mahal kita”.
Pero Mahal?
Naaalala mo pa ba?
Kung paanong pagkatapos ng masayang araw ako ay binasag mo?
Kung paanong ang luha ay dumaloy sa mga pisngi ko.
Kung paanong ang kamay ko ay binitawan mo.
Kung paanong ang puso ko ay dinurog mo.
Kung paanong nagmakaawa ako na wag mo akong bitawan.
Mahal, naaalala ko pa.
Kung paanong ako’y tinalikuran mo.
Kung paano mo nilimot at binaliwala lahat ng meron tayo.
Kung paano mo ibinasura lahat ng pagmamahal na binigay ko.
Naaalala ko pa.
Kung paanong sinambit mong mahal mo ako.
Pero mas higit na dumurog sa akin mga mga sumunod na sinambit mo..
” Mahal kita kaya ang larong ito ay ititigil na.”
Mahal, durog na durog ako sa kada salitang binitawan mo.
Hirap na hirap ako sa kada umagang mumulat ang mata at ikaw ang unang maaalala.
Mahal hirap na hirap ako sa kada araw na hinihintay kong sabihin mong biro lang ang lahat ng ito.
Mahal, mahal na mahal kita.
Ngunit sa kada araw na pinapakita mo at pinaparamdam mo na balewala ako.
Mahal napapagod na ako.
Pagod na ang mga mata ko sa pagluha na dati’y saya lamang ang makikita.
Lunod na sa alak ang kalamnan ko.
Basa na ng luha ang unan ko.
Pagod na pagod na ako.
Mahal, nadurog man ang puso ko dahil sayo.
Ang tanging hiling ko parin ay ang kaligayahan mo.
Dahil sa dulo ng lahat ng sakit at pait na ipinaramdam mo.
Di ko malilimutan na minsan, ako parin ay minahal mo.
Makita ko man ang isang umaga na ang mga haplos na dating sakin ay mapasakanya.
Makita ko man na ang mga ngiting dating akin ay sa iba mo na naibibigay.
Makita ko man na ang mga yakap na minsang bumuhay sakin ay ngayo’y nagbibigay kulay na sa mundo nya.
Marinig ko man na ibang ngalan na ang sambit ng mga labi mo.
Mahal, mamahalin parin kita.
Ngunit sa paraang ako lang ang nakakaalam.
Ako lang ang magdaramdam.
Sa paraang ako lang ang nakakarinig.
Sa dulo ng lahat ng ito wala na kong maisip pang ibang nanaisin pang sabihin.
Kundi salamat dahil kahit minsan ako ay naging MUNDO MO.
Ito ang huling luha na para sayo.