Mahal ba kita?

Ako yung gumawa ng paraan para mapalapit sayo, ini-add kita sa facebook.

Napansin mo naman ako.

 

Napalapit ako sayo pero hindi yun yung paraan o yung gusto kong mangyari. Parang nasasabi ko nalang sa sarili ko na buti pa nung crush palang kita ang saya-saya ko pag iniisip kita, kinikilig ako pag nakikita kita pero ngayon kapag naiisip kita,

 

Ang sakit sakit na….

Nakakabaliw na…

Pagod na pagod na ako…

 

Siguro nga nandiyan ka pero yung pakiramdam na hindi ka naman saakin, lahat ng iniisip ko nun tungkol sayo ay kabaligtaran kung ano ka talaga.

Akala ko tahimik ka lang pero ang gulo mo..

Akala ko matured ka na pero ang isip bata mo pa rin.

Akala ko seryoso ka na pero naglalaro ka pala…..

 

Ang daming dahilan para hindi kita magustuhan at hindi na tumuloy pero nandito pa din ako kapag kailangan mo ako, kapag gusto mo kong kausapin nandiyan ako at kapag ayaw mo hindi kita kinukulit kahit miss na miss na kita. Kapag gusto mo ko makita kahit anong mangyari ginagawan ko ng paraan kahit ang hirap, kahit bawal o kahit mali basta kapag tungkol sayo ginagawa ko, kasi gusto kitang mahalin pero ayaw mo akong papasukin.

 

Lagi lang ako nasa labas naghihintay na makita mo o pwedi din na baka itapon mo pag tapos mo ng gamitin.