Kapag ako jinowa mo feeling ko talaga sasaya ka,

Isipin mo naman, pumatol ka sa tulad kong maganda!

Na noon eh inaayawan at iniiwan ng iba

Kasi madami daw na mas sexy na bagay sa kanila.

Kapag ako jinowa mo feeling ko bagay tayo

Kasi yung ugali mo kabaliktaran ng meron ako

Hindi ka maiinip kasi lagi tayo mag aaway

Pagtapos naman nun, kiligan na walang humpay!

Kapag ako jinowa mo makikita mong mabuti ka

Kasi wala akong plano na diktahan ang buhay ng iba

Hahayaan kitang maging kung sino ka talaga

Basta maging mabuti ka sakin, isama mo na din ang paborito kong leche flan, pwede ba?

Kapag ako jinowa mo feeling ko di ka mamomroblema

Walang magtatangka na mang-agaw sakin, ang astig di ba?!

Eh kasi naman di man sexy ang aking katawan

Ito naming puso at isip ko, ikaw lang ang laman.

Kapag ako jinowa mo feeling ko tataba ka

Syempre di naman ako papaya na ako lang, damay damay para masaya!

Di man ako kasing kinis, flawless, sexy ng mga karamihan

Atleast, simula sa pagtaba hanggang sa pagtanda di kita iiwan.

Kapag ako jinowa mo feeling ko magiging tayo na talaga

Kasi ito ang bilin sakin ng aking ina at ama

“Nak, pag nagmahal ka, huwag madami dapat ay iisa,

Pag nahanap mo na, ingatan at mahalin mo kasi alam naming jowable ka”