Sana hindi na lang ako nahiya noong panahon na nakilala kita at ikaw ay abot-tanaw ko pa,
sana ikaw na lang ang ninais ng puso ko noon, sana mas nakilala pa kita at nagkaroon pa sana
sana ako ng mga sandaling kasama ka na pwede kong balikan sa aking alaala.

Sana kahit papaano, okay pa ngayon at meron pang munting pag-asa para sa atin. Alam kong
malabo na ang aking pag-asa, pero libre lang naman ang mangarap, kaya eto ako, pinapangarap ka
kahit alam kong malabo ito at ikaw ay malayo na.

Ayoko na munang magmahal uli dahil ayaw ko na uling masaktan ang puso ko, ayaw ko na rin munang
sumugal uli sa pagmamahal, baka mamaya ay mauwi lang uli sa pagkatalo at sa kalungkutan ang lahat.

Pero para sa’yo, handa akong sumubok uli at magbigay ng pagmamahal na tapat at karapat-dapat sa’yo.
Ikaw lang uli ang nagpatibok ng puso ko at sa’yo ko muling naramdaman ang saya at ang pagkasabik sa pagmamahal,
ang puso┬ákong nakatulog ng mahabang panahon ay ginising mo, naging abot langit ang saya ko ng dahil sa’yo.

Kung magiging tayo, sa’yo lang ako at ang puso ko. Pangako ko sayo na ikaw lang ang nasa puso’t isip ko
at pangakong hindi ako bibitaw sa’yo. Salamat dahil nakilala kita at dumating ka sa buhay ko at sana ay
palagi kang masaya at ingat ka palagi…..