Di ko alam bat ganto’ng nadarama
Sa t’wing dadaan at ika’y nakikita
Tila mga hayop sa tya’y nagwawala
Sarap pag sabihang “bes kumalma ka”

Ano ba talaga ang meron sayo
Di naman gwapo at di rin aking tipo
Sobrang layo sa mga natipuhan ko
Di ko alam ba’t sayo pa nagkagusto

Nakakatawa man talagang isipin
Sige na, oo na, ako ay aamin
Noon pa may nahuhuli kang nakatingin
Pero ako talaga ang unang nagpapansin

Hanggang sa tayo ay nagkakilala
Walang paglagyan ang galak at saya
Sobra sobra ang tuwang nadarama
Dahil sa wakas, tayo’y nagkausap na

Mga usapan nating abot alas kwatro
Kahit paumaga’y gising pa tayo
Antok na nadarama’y pilit tinatago
Wala akong pake sumakit man aking ulo

Lagi mo nalang akong tinutukso
Oo nga nag rereklamo ako
Pero gusto ko lang na malaman mo
Na masayang masaya rin naman ako

Hanggang bigla ka nalang nag bago
Umabot na ang kinakatakutan ko
Akala ko hinding hindi mangyayari ‘to
Ha ha ha nagkamali pala ako

Oo masaya nga naman talaga tayo
Ngunit bigla mong binigay numero mo
Napatanong ako “para saan ba ito?”
Sinagot mo rin naman ang tanong ko

Tandang tanda ko pa ang sinabi mo,
“Itigil na natin ang usapang to
Mas nararapat pang ituon ang oras ko
Sa ating Diyos at mga disipulo”

“Gusto ko ring ibalik sa aking puso
Ang apoy na para sa Kanya”
Kaya ang tanong ko, may nagawa ba ako?
Kasalanan ko ba talaga?

Di ko alam ba’t biglang tumulo ang luha
Hati ang nadarama, lungkot at tuwa
Lungkot, dahil naisip kong ika’y mawawala
Tuwa, dahil alam kong desisyon mo ay tama

Ilang buwan na pala ang nakaraan
Di pa rin nagbabago nararamdaman
Ikaw pa rin ang gustong makatawanan
Pero di ko alam kung ako ba sayo ay nasaan

Alam mo bang laman ka ng panalingin ko?
Di para sakin kundi para sayo
Promosyon sa iyong trabaho
Pati pag lago ng mga disipulo

Sa bawat araw na pag punta ko sa simbahan
Panalangin ko na dapat tama ang motibo
Sambahin ang Dyos na pinaka makapangyarihan
At ibigay sa Kanya ang buong pusong ito

Laging pinagdarasal sa Poong Maykapal
“Pakiusap po nadaramay pakitanggal
Ayokong pag ibig ko Sayo’y may butal
Gusto kong ituon atensyon sayo Mahal”

Siguro nga kelangan pa nating lumago
Hayaang ayusin ng Diyos ang buhay at puso
Tiwala’y ibubuhos ng buo sa Kanya
Para ang resulta nito ay sobrang ganda

Maraming akong gustong itanong at sabihin sayo
Ngunit idadaan nalang muna sa mga sulat at tulang ito
Inaasam na sanay pag dating ng oras na tinakda
Mababasa mo rin lahat ang aking gawa.

Di ko sigurado kung ikaw ba talaga
Si ganito, si ganyan or baka nga sya?
Baka nga siguro di ko pa talaga nakikilala
Basta ang alam ko,
Sya’ng may alam at Sya na ang bahala
Buong puso rin akong magtitiwala.

“True love isn’t just expressed in passionately whispered words or an intimate kiss or an embrace. Before two people are married, love is expressed in self-control, patience and even words left unsaid.” 💕

-Mmmmmm