Tinakda

Thirty, yan ang edad na sabi nila matadang dalaga kana
Anong plano mo? ganyan kalang ba?
Walang mag-aalaga sayo, mahirap mag-isa
May nagsabi pa, tandaan mo ang Proverbs hanggang 31 lang, ehh no ngayon may Psalm pa naman

Parang lovelife ko mas malala pa sa problema ng bansa kung sila’y mag-isip
Hindi ba kayo napapagod sa mga tanong nyong nakakafreak
Di kaba malungkot mag-isa, sinong may sabi ako’y mag-isa, yung iba may kasama nga masaya ba?
Kung makatanong kayo saming mga Single para kaming mga sinumpa at katapusan na ng lupa
Hindi nyo ba inisip kami’y ipagpala kasi kaya naming maging masaya habang naghihintay sa Kanyang itinakda

Nasaan na nga ba sya, anong petsa na, ako’y nakalimutan na ba? or ika’y nag-EDSA kaya natrapik ka
Mga tanong ng isipan ko, may darating pa ba sa isang tulad ko
Ako’y napaiyak sa tanong na bakit ganito
Hindi ba kamahal mahal ang tulad ko?
Sabi ng Diyos kamahal mahal ka anak ko
Dahil andito ako na labis na nagmamahal sayo

Patawad oh Diyos kung yan nasa isipan ko
Tulungan Mo ako na maging mahinahon na maghintay sa tinakda Mo
Tinakdang mamahalin ang isang tulad ko
Yung galing Sayo at hinubog ng mga salita Mo
Sya yung taong yayakapin ang pagtawag Mo
Na handang lumaban kasama ko para sa ikakalago ng kaharian Mo

Sabi nila wala ng darating dahil sa edad ko natapos na daw ang kalendaryo
Napag iwanan kana, may darating pa ba?
Sabi ko naman sa kanila, ako nga di nag alala
Dahil sa Diyos ako’y may pag asa
Na balang araw may darating din sayo at hindi ka tatandang mag-isa

Habang akoy lumalakad ng tapat sa Kanya
Sa daang dinadaan ko doon ko sya makikita
Tinakda ng Diyos saki’y doon tumatahak
Di mo kailangang pang kung saan pa maghanap kasi dun sa daan na yun sya din ay tumatahak

Madami bumubuyo sakin ng ganito, uy, bagay kayo, uy! sya na ang destiny mo
Pero ang sabi ko, hindi kayo ang magsasabi nyan sa buhay ko
Hindi kayo ang magtatakda o magsusulat ng love story na magkakaroon ako
Isang storya na sa una palang ay sinulat na Nya Hindi kayo ang magsasabi kung sino o kailan ang dating nya
Yung taong ako’y laging sambit sa mga panalangin nya

Ang pagkikita namin Sya din ang magtatakda parehong tibok ng puso malalaman na kami’y tinakda
Tibok ng puso ay iisa
Na mas unang minamahal Sya
Minamahal ang tama at ang kalooban Nya
Yung kasama kong lalaban para maipahayag ang wagas na pag-ibig Nya

Ung taong mamahalin ako kahit anong naging nakaraan ko
Yung kasama kong lalaban sa gitna ng problema ko
Yung makakasama kong madidiwang sa mga tagumpay ko
Yung makakasama kong magpupuri at sasamba Sayo

Sa hinaba haba man ng paghihintay ko, masasabi kong Oh, Diyos kay buti mo
Hindi Mo hinayaan na mapunta ako sa maling tao
At para pagtagpuin kami ng taong tinakda Mo
Tinakdang makakasama kong lumalakad at susunod sa mga salita mo

At Para sayo mahal, sisikapin kong hintayin ka dun sa tagpuan na itinakda ng Maykapal
Dun sa daan kung saan pareho nating nilalakaran
Sa daang patungo sa mga pangako Nyang sabay nating pupuntahan

Sa pag dating ng Tamang Panahon sabay tayong haharap sa Kanya
Kasama ng mga mahal nating dalawa
Dun sa tinakdang panahon na pwede na kitang makasama
Makasama na panghabang buhay na
Ito ang tinakda ng Diyos para sating dalawa
Na ikaw at ako ay magkasama