I Am Less
Categories Poetry

I Am Less

Iam less
Sa barong-barong lang ako natutulog.
I can’t date you in resto
only in tuhog-tuhog.

I am less
‘Wag ka munang mahuhulog—
Sa ugali kong may freebies unli supply ng toyo,
Sa mga kilos kong parang pamintang buo- hindi pa kasi pino.

I am less
Wala pa akong trabaho;
Wala pa akong pang-date o pambili ng mga regalo.

I am less
Hindi pa ako wife material,
Tho ako’y loyal;
Ni hindi nga ako makaperfect ng scrambled egg,
Hindi rin nagliligpit ng pinaghigaang bed.
Hindi ako nagkukusa maglaba o maghugas ng plato,
Pero kung makautos ay todo.
Hindi pa ako yung tipo ng babae na ipinapakilala sa magulang,
Wag muna sapagkat marami pa saking kulang.

I am less
Madidisappoint ka lang
Masasaktan
Aasa ka lang

I am less
Kaya kita iniinform
Dahil kagaya mo—
Hindi pa ‘ko fully formed,
Kaya naman magpapahulma muna sa Panginoon.
Marami pa akong maling bagay na magagawa,
Marami pang desisyon na itatama.
Pipilitin kong magbago.
Pipiliin kong magbago—
Para sa Kanya, para sa’yo at para sa sarili ko.

I am less
as you are,
Magpamold muna tayo,
Para sa pagdating ng tamang season,
With or without reason
Maituturing natin ang isa’t isa bilang isang regalo
at hindi sakit sa ulo.

#SundayThoughts
#BeautyOfWaiting

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *