Bumitaw ka muna.
May mga bagay na kailangan munang bitawan
upang sarili ay mapahalagahan.

Bumitaw ka muna.
Dahil minsan ang totoong kaligayahan
ay makakamit lamang sa kalayaan.

Bumitaw ka muna.
Lalo’t hindi ka naman sigurado
sa bagay na iyong pinanghahawakan.
Masakit, mahirap pero kailangan.
Para sa’yo.
Para sa kanya.
Para sa inyong dalawa.

Bumitaw ka muna.
At kumapit sa pangako na balang araw maiintindihan mo rin
kung bakit hindi muna pwedeng maging kayo.
Kumapit sa pangako na ang lahat ng sakit ay mapapalitan ng saya
kung magtitiwala ka lang sa mga plano Niya.
Kumapit sa pangako na ang lahat ng binitawan
ay mapapalitan ng mas higit pa sa iyong inaasahan.
Kaya bumitaw ka muna sa ngayon upang mapaghandaan ang bukas.

Bumitaw ka muna
At kumapit sa Kanya.

by Jade Badal Jaudian

Almost #SundayThoughts

***a poem from Marawi***