Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Ito ay saloobin
Na minsa’y mahirap sabihin
Ayos lang ako
Oo, ayos lang ako
Mahirap aminin ang isang bagay na aking kinikimkim
Bagay na ayokong sabihin dahil nagiging dahilan ng kadalasang hindi pagkakaintindihan
Ayos lang ako
Muling bukambibig sa tuwing may tatabig ng salitang “kamusta”, buhay mo ba’y iyo pang iniibig?
Mula sa aking pagkabata na gusto ng tapusin ang buhay na hiram dahil sa natatakot labanan ang demonyong nasa aking likuran
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
Ayos lang ako
Mga ala-alang hindi na kumupas
Na kahit ilang taon na ang lumipas, sa pakiramdam ko’y laging wala ng bukas
Patawarin mo sana ako
Kung minsa’y hindi ko masabi dahil sa hindi ko rin maintindihan ang aking sarili
At pakiramdam ko’y hindi mapakali dahil sa sakit at pighati
Mga pagkakataong pinipilit mong maging masaya
Masaya sa kaibigan, kasintahan at pamilya
Pero pagtapos ng tawanan, eto nanaman
Lalamunin ka nanaman ng ala-alang nagdaan
Sa dami ng taong nasa paligid mo
Pakiramdam mo’y nag-iisa ka parin sa mundo
Mundong hindi mabago ang takbo ng puso at isip mo
Pasensya na
Kung minsan ako’y tulala
Iniisip ko lang paano ba ito mawawala?
Walang gamot para ako’y pagalingin
Humahawak na lamang ako sa panalangin
‘Wag mo sanang isiping gawa gawa ko lamang to
Ginamit ko lamang ang paraang alam ko para ilabas ang sakit at saloobin ko
Hindi ko pinipilit na paniwalaan mo
Pero sana minsan ay unawain mo kung bakit ako nagkakaganito
Kinain ng madilim na nakaraan na hanggang ngayo’y hindi makalimutan
Pasensya na kung sayo pa’y pinaalam ang aking masalimuot na pinagdaanan
Huwag kang mag alala
Ayos lang ako.