Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Sa bawat pag ikot ng mundo
kasabay nito ang mga daing ng ating puso
Mga damdaming nananalaytay sa bawat pagtibok nito
Mga damdaming hindi makakalimutan sa bawat araw na nagdaan.
Pero bakit nga ba ganito
Kung kailan alam mong nakakangiti ka na saka pa lang sya papasok sa isip mo
At bawat araw na naaalala mo sya
kasabay nito ang paghikbi ng puso mong nasasaktan.
Bakit pa kaya mayroon tayong damdamin?
Kung kadalasan ang nadarama natin ay puro sakit lang din
Sakit na walang iiwang bakas kundi paghihinagpis
Kailangan mo pa bang masaktan at magdusa ng ganito?
Kailan ka magiging masaya?
Kailan ka magiging malaya?
Kailan mo sasabihing ikaw ay nakamove-on na?
Kailan mo maipapakita na ikaw ay okay na?
Pag ba ikaw ay makakahanap ng pansamantalang kaligayahan?
Pag ba ikaw ay ngumiti at tumawa ng malakas?
Tama na!
Tama na ang pagpapanggap na ikaw ay masaya
Tama na ang pagtatago ng iyong tunay na nadarama
Palayain mo na ang iyong puso na matagal ng nagdurusa
Palayain mo na ang iyong sarili na pansamantalang nakakubli sa kaligayahan
Palayain mo na ang iyong damdamin
Baka sa paglaya nito makikita mo ang kasagutan sa mga tanong sa buhay mo.