Anjan na naman siya ‘te! Parang kabute
Biglang susulpot at mananabotahe

Naka-move on ka na nga
Biglang magpaparamdam
Ending ulit: nganga
Parang di mo naman alam

Anjan na naman siya ‘te! Parang kabute
Susulpot, mawawala, kung saan siya komportable

Kung kelan OK ka na
Tatawag bigla
Miss ka na raw niya
Ikaw naman, naniwala

Anjan na naman siya ‘te! Parang kabute
Nawawala bigla nang walang pasabi

Tuwing babalik siya,
tinanggap mo naman ulit
Tapos magrereklamo ka
Kung bakit sobrang sakit

Gumising ka na ‘te
Di mo deserve yang kabute
May handang magtanim ng buong garden para sayo
Pero yan ka, pinipili mo iyong loko