Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Liham para sa aking unang pag-ibig,

             Marahil hindi ito ang pinaka magandang tulang maitatala ko sa panahong ito. Nais ko sanang sabihin saiyo ang aking naramdaman dahil alam ko na kung ipagpapatuloy ko ang pagmamahal ko sayo, ang damdamin kong ito ay walang patutunguhan. Hayaan mo sanang ipahiwatig ang nararamdaman ko sayo sa huling pagkakataon. 

            Nasasaktan parin ako sapagkat hindi naging maganda ang katapusan ng ating walang hanggan. Akala ko ang ating pag-iibigan ay pang matagalan. Pero hindi rin nagtagal pag-ibig mo’y lumisan. Hindi kita masisisi sapagkat iyan naman ang iyong nararamdaman.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


             Mahal kita, mahal na mahal. Pag-ibig ko sayo’y kakaiba, walang katulad. Hindi ko rin inaasahan na ganito kalalim ang pagmamahal ko sayo. Ung tipong kahit anong gawin ko, ikaw parin ang naiisip ko. Sabik akong makita ka lagi. At kahit pa na matagal tayong hindi magkita, ikaw parin ang tibok ng aking puso. Sa maikling salita, hindi sapat ang mga letrang ito para maipahayag ang pag-ibig na nararamdaman ko sayo.

           Gusto ko din magpa salamat dahil sa loob ng apat na taon madami akong natutunan, pinasaya mo ng sobra ung buhay ko sa mga taong iyon. Gusto ko sanang ipagpatuloy ang pag-ibig ko saiyo ngunit sa aking palagay hindi magiging maganda ang kahihinatnan nitong nararamdaman ko lalo na’t ako nalang ang may pagtingin sayo.

           Siguro isa din sa mga dahilan kung bakit sobra akong nasasaktan ngayon dahil masyado akong umasa na lalago ang ating pag-iibigan sa pagtagal ng panahon, pero imbes na lumago, kumupas at lumamig ang pagmamahalan natin. Hindi pa man ganap na naghilom itong puso ko, pero alam ko sa sarili ko na dadating ang araw na makakabangon ako muli sa pagkawasak ng aking puso.

          Sa pagtapos ng aking liham, baka ito na din ang huling tula o liham na gagawin ko sapagkat titigil muna ko sa paggawa ng mga tula dahil baka ito din ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi pa ako makapag move on. Madami pa sana akong gustong sabihin saiyo kaso hindi ko siya kayang ibuo saaking isip. 

       Sana pag ito’y nabasa mo na hindi tayo magkaroon ng ilangan sa isa’t isa. Sana ang pagkakaibigan natin ay hindi mapunta sa kahiyaan. Wala akong ibang hiling kung hindi ang kaligayahan mo. Masaya ako dahil naranasan kong umibig sa isang lalaking tulad mo, dahil mas nakilala pa kita. 

-Pamela D.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required