Hindi ko alam kung ano ba talaga ako sayo.

Ilang beses kong sinabeng gusto kita, ilang beses mo din akong tinawanan lang
at hindi pinaniwalaan.
Minsan nga, nasabe mong baka ito’y gutom lang.

Dumistansya ako ng bahagya, nag bakasakaling maramdaman mong ako’y wala.
Lumipas ang araw, salapalagay ko ikaw ay nabahala, nabahala nang saglit akong nawala.
Hinanap mo naman ako at ako’y natuwa pero pakatapos nito ikaw ay naglaho na parang bula.

Hanggang kailan kaya kita magugustuhan?
Hanggang kelan kaya ako sayo’y maapektuhan?
Kailan kaya ang puso ko’y matatauhan?
Sapalagay ko ito’y matatagalan.

Maaring abutin tayo ng three-thousand one,
paki wari ko’y ang puso ko’y sayo lang.
Dalangin ko sa may Kapal na ikaw ay ingatan.

At lagi mong tatandaan, ikaw ay aking pinag darasal.