Matagal na kitang sinusubaybayan. Matagal ko nang tinatago aking nararamdaman. Hindi ko kasi sure kung ano ba talaga nararamdaman ko sayo kasi matagal na tayong magkaibigan, baka sobra ko lang naenjoy yung company mo, baka nakakatawa naman talaga yung jokes mo, baka masaya ka lang talaga kasama. Ayoko sana maconfuse kung ano talaga nafifeel ko pero bakit ganun, hinahanap hanap na kita, hinahanap hanap ko na yung jokes mo sakin as a “friend”, yung kwento mo sakin as a “friend”, yung pagsama mo sakin as a “friend”.

I really appreciate you deep within my heart, I really appreciate your existence, I really appreciate your “wait nagiisip ako ng ikkwento ko sayo”, I appreciate your “wait nagiisip ako ng joke”, I appreciate your silly jokes na nakakatawa talaga kasi gusto nga kita diba?, I appreciate yung paglilibre mo sakin, I appreciate yung chat natin na puro tawa na tbh sayo lang ako di nagpepeke ng tawa kasi masaya talaga ako kausap ka, I appreciate yung pagsabay natin kumain na kahit minsan wala akong pera gagawan ko ng paraan makasama ka lang, I appreciate the tiny little compliments you give to me, yung ngiting nakakaloko to lighten up my mood, yung mga tambay na mahahaba para sa kwentuhan.

I realized na bakit nga ba tayo madalas nagkakasama? para kay Lord. I really admire how I saw your growth with the Lord, sobrang nakakaproud na isa ako sa witness ng pagbabago mo when you accepted Christ. I saw that you’re so passionate to serve him unlike before, I saw how you really worked hard sa mga pinapagawa sayo, going home late kasi super productive ng araw mo dahil kay Lord. I realized na ganun din pala ko, sobrang productive lagi ng araw ko dahil kay Lord, I’m doing this for the Lord.

Sorry kung na-awaken ako, sorry kasi baka dahil sakin maapektuhan friendship natin, sorry kasi ako yung dahilan kung bakit complicated yung nangyayari ngayon, sorry kasi pinairal ko yung feelings ko sayo, sorry kasi nagustuhan kita, sorry if may kailangang lumayo sating dalawa, sorry kasi ang rupok rupok ko, sorry.

Gusto ko malaman mo na I admire and appreciate you. Ayokong mag cause ng distraction sayo lalo na nagsisimula ka pa lang sa journey mo, also sakin. Kung mas ika iimprove mo yung paglayo ko, I’ll do it for the Lord, for my self, and for YOU. Tagal ko nang gusto sabihin sayo lahat to, pero lagi ako naghehesitate kasi ang saya lang pag kasama ka, gusto ko sulitin yung time na yun kasi alam ko baka bukas o sa isang araw magbago na lahat. Gusto ko isurrender nalang lahat kay Lord yung nararamdaman ko sayo, di man ako sure kung parehas lang tayo ng nararamdaman or your so nice to me lang talaga. Kung ikaw naman talaga, ikaw talaga kung God’s will. Marami man magbago, lalayo man ako, always remember na I always still got your back, lagi padin ako nakasubaybay sayo, sa achievements mo, I’m always here padin, lagi lang ako nasa likod mo, It’s up to you kung lilingunin mo ko. Ikaw padin yung hahanapin ko sa gitna ng madaming tao. Papanoorin ko lang kung paano ka pa maggrow. ikaw lang yung guy na willing ako mag wait, di lang naman guy ang pwede mag wait diba?. Unahin muna natin si Lord.

I’ll miss you. I love you, pero dapat mas mahal ko si Lord. I’ll wait kahit di ako sigurado kung ano man nafifeel mo sakin, kasi na kay Lord lang naman lahat eh.

Take care!! I gotchu!!:)) yung memories? nasa heart ko lang yun. Sana naging important din ako sayo, sana na include mo din ako sa prayers mo, kasi ikaw lagi ka nasa prayers ko:)

Right now, kailangan ko muna maging right person.