Kahit crush kita, ayoko ko’ng maging ka-MU ka. Takot ako kasi marami akong mga kakilala na may ka-MU sila, maganda ang simula at may mga moments of kilig, may mga datings at kung ano-ano pang ganap pero sa umpisa nga lang masaya kasi nauuwi rin sa nga-nga!

Ayoko kong makaramdam ng kilig, saya, tuwa at tawa kasama ka kung panandalian lang pala.
Ayokong maranasan lahat ng masasayang sandali at mag ipon ng masasayang alaala kung mawawala ka rin naman pala.
Ayokong gusto mo nga ako sa ngayon, pero NGAYON lang.

Takot kasi ako na baka pag-gising ko, one-sided nalang. Hindi na MUTUAL. Takot ako na baka ma realize mo na hindi pala ako ang para sayo tapos ako NAG AAKALANG IKAW NA BUONG BUHAY KO kahit wala namang tayo.

Ayoko kong maging masaya kasama ka tapos dadating ang araw na luluha nalang akong mag-isa. Ayoko kong mag invest ng nararamdam kung ikaw hindi mo pa kaya.

Ayoko ko ng MU tayo. Nakakatakot. Nakakatakot mag-invest kung hindi mo alam saan papunta yung investment mo.

Kaya kung wala kang planong iharap ako sa Diyos at sabay manunumpang “… for richer or for poor, in sickness or in health, till death do us part”, wag mo nalang akong guluhin. Wag mo nang pukawin ang natutulog kong damdamin.

Kesa maging ka-MU kita sa ngayon, maghihintay nalang ako sa tamang panahon. Panahong alam ko na kaya mo ng panindigan lahat ng efforts and actions mo. Panahong pwedi na tayo, yung matured na kumbaga. Yung panahong alam kong ikaw na, kasi sabi Niya. 😍

Pero kung hindi man ikaw, ayos lang. Alam ko naman na mas alam ng Diyos kung sino ang the best para sa atin. 💜 Pero pinagdarasal ko na sana ikaw nga. Hehe Pero sana din, dumaan tayo sa tamang proseso, dahil ganun tayo idinisenyo. Kaya ayoko ng MU lang. 😊

Okay lang din naman kung ka-MU kita tapos masasaktan ako at matututo pero bakit pa? Bakit pa’ko mag aaksaya ng panahon kung kaya ko namang magpigil at maging responsable sa nararamdaman ko. Iwas sakit na nga, mas marami pakong nagawa.

 

Q: Ikaw? Takot ka rin ba? O bahala ng masaktan basta naging masaya ka lang kasama siya?