Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

My Love,

Day off mo nga pala… Nandito na ako sa Manila, nakauwi na din ng house, nagmessage na din ako sayo. Pero wala ka siguro sa bahay.

Love, dumating tayo sa panahon na hindi mo na kailangan ipaalam kung saan ka pupunta, kung aalis ka ba, yun kahit nasa labas ka you will find ways to send me a message kasi ayaw mo ako magalala. Siya nga pala, hindi na pala tayo

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Naalala ko, parang kailan lang yun. Pag thursday night, hahanap tayo ng movie at sabay na manonood, habang naka video tayong dalawa. All our expression, laughs and side comments, nakikita natin at lahat yun ang saya sa puso. Kahit antok at pagod ka sa 1week na work, nagagawa natin yun. Ang sarap ng pakiramdam na kahit malayo meron effort, tayong dalawa… Naikot ang bawat araw natin sa isat isa. Yun tayo lang, masaya at nagmamahalan kahit malayo. Tinawid pa nga natin magkabilang mundo para lang patunayan yun.

Love naalala mo pa ba?
Nang ako pa ang mundo mo at ikaw din ang mundo ko…

Iniisip ko kung paano ba ito sa bawat araw, saan ako huhugot ng lakas… Hindi kasi ako yun taong basta nagmamahal at nagoopen ng puso. At kung sa susunod na araw hindi ako magmessage sayo, wag mo sanang isipin na hindi kita naiisip or kinalimutan kita. Sana maisip mo na masakit sa akin yun, pero dahil naguluhan ka na at nahirapan, kagaya ng sabi mo na sa bawat plano ay kino consider mo family mo. Naisip ko, siguro hindi nila ako matatanggap at panibago na nman iisipin yun sayo.

Gusto ko sana sabihin na, “Stay, stay with me…” 
Mahinang mahina ako ngayon… Pero sige kahit di ko alam, susubukan ko humanap ng paraan para hindi na kita magulo at makalimutan mo na ako. Para hindi ka na mahirapan pa. Ang sakit, ang sakit sakit na. Yun sakit na ramdam ko sa bawat dulo ng daliri ko… Anong gagawin ko………

Iingatan mo sarili mo. Wag mo sana kakalimutan na minsan ikaw ang pinili ko at ako ang pinili mo. Na minsan ako ang mundo mo at ikaw ang mundo ko. Na ako yun sinasabihan mong “Dear, I love you…” Paano nga ba ito pinili mo na akong isuko………

Sorry, kasi ang kulit ko, Im still holding on pero ayaw mo na palang kumapit pa…

I love you, I still do, Goodnight…

Send me the best BW Tampal!

* indicates required