Huling taya.
Categories Relationships

Huling taya.

sumubok ako muli.

Sa mga oras na to, ramdam ko na yung pagka pagod
yung di ko na alam kung saan ko pa kukunin yung tatag na kailangan ko
Sa nakaraang mga taon, naging masama at maramot sakin ang mundo
oo masakit,iniyak ko nalang ang lahat
pero mas pinili kong magpatawad at magpatuloy.

Tinulungan kong buuin yung sarili kong
nawasak mula sa nakaraan.
Pagkatapos di natakot sumubok ulit
dahil sa naipon kong tiwala at pag asa.

Pero sa huling subok ko
parang wala parin nagbago.
Parang di ako natuto mula
sa pagbagsak ko sa nakalipas.

Paano ko ba talaga dapat ingatan ang sarili ko?
Paano ba natin maiiwasan ang taong
alam natin na sa una palang , bibiguin kana?
Kapag dumating yung pakiramdam na yun ng kusa
tatalunin ka na naman ng pag aalala?

Sinubukan ko ulit, dahil sa alam kong kaya ko na.
Sinubukan ko ulit,dahil alam ko na yung halaga ko
na dapat kong inuuna
Sinubukan ko ulit, dahil alam kong may pagbabago mula
sa nakaraan?

Pero ung muling pagsubok ko pala sa laro ng pag ibig
ikinatalo ko na naman ulit.

Di ba nakakapagod na?
Di ba nakakasawa na?

Lito kana sa kung ano ung dapat mong gawin at iwasan
pero wala, ganun parin sa huli.
Nakabisado mo na yung paraan kung saan ka nasira at kung
paano ka uusad at makakabawi
kaso sa huling tao na tinayaan mo
naubos ka ulit.

Sa mga oras na to, di ko na alam kung ano ba yung
dapat kong hilingin…
o kung dapat paba akong humiling?