Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Umaga na naman
Bagong araw, bagong simula
Bagong IKAW, AKO, bagong TAYO.
Ikaw na noo’y naiwan dahil sa di mo ako maipaglaban,
Lumaban man pero sa puntong patapos na ang laban,
Ako na nang-iwan dahil sawa ng masaktan,
Sawa ng umasa’t umiyak sa walang kwentang dahilan.
Tayo na sa simula lang masaya,
At nagwakas sa salitang ” Mahal kita pero tama na.”

Bagong araw, bagong pag-asa
Bagong IKAW, AKO, bagong TAYO.
Ikaw na ngayo’y masaya na’t natutong lumaban,
Ngumiti sa puntong di na ako ang dahilan.
Ako na umaasang makakalimutan ka,
Na balang araw ako’y maging masaya sa piling ng iba.
Tayo na parang bulang biglang naglaho
Na sa puntong ito’y umaasang pagtatagpuin sa dulo.
Hindi man bilang magkasintahan pero bilang magkakaibigan.

Ewan. Ewan ko ba.
Umaga na pero ba’t kay hirap pa ring kalimutan ang taong kinalimutan ka na?
Bakit ako ang nasasaktan di naman ako ang iniwanan?
Gusto ko lang magmahal at mahalin din pabalik
Gusto ko lang maging masaya
Kahit masakit, tinapos ko na.
Bakit tila mas masakit ang nang-iwan kay sa iniwanan?
Bakit heto pa rin ako nag-iisa habang siya masaya na?
Ganoon ba kadali ang maghanap?
Paano? Kailan? Saan? Sino?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required