Hindi ko alam kung patuloy pa akong maniniwala sa mga katagang “You deserve better. Hindi pa ako ready pumasok sa commitment. Gusto ko muna hanapin sarili ko. GUSTO KO MUNA MAHALIN YUNG SARILI KO. YUNG AKO LANG.”
Pinaniwalaan ko kase ramdam kong totoo yung mga sinasabi niya. Kase bulag ako sa salitang “mahal” ko siya. Pero wala akong magagawa. Kahit gustuhin ko man kumapit hanggang dulo, ee kung nakabitaw na pala siya, wala rin.
May mga bagay akong naranasan, naramdaman at natutunan na kailangan dapat i-consider when falling in love or you want to enter a relationship para maiwasan ang mga bagay na masasakit. Sobrang daming factor, pero sa tingin ko ito yung mga common na nangyayare.
1. INTENTIONS
Dito magu-umpisa ang lahat. Have you ask yourself bakit mo siyang gusto i-pursue? Gusto mo syang jowain kase maganda/gwapo siya? Ask yourself first kung bakit siya. Sa panahon ngayon, sa totoo lang, physical appearance talaga una nating tinitignan. Yeps, don’t deny it. To follow na lang yung ugali.
Guys. Hindi mo kailangan magsabi agad ng I LOVE YOU para lang malaman niya na mahal mo siya. Lalo na kung isang linggo pa lang kayong nag uusap. They were just words. Trust me, it won’t work. Clear your intentions. You want her to become yours? Pursue. Ligawan mo sa magandang paraan. Hindi yung dinadala agad sa kwarto. Tapos ano? Lust tawag dyan hindi love.
Girls. Please lang. Iwasan maging marupok. Hindi porket gwapo mabait hindi ka na lolokohin. Ingatan nyo yung dapat ingatan. Wag masyadong mapagbigay. Know their intentions first. Ibigay nyo yung dapat ibigay after kasal. Trust me, it will be worth the wait. At least kampante kaming mga lalaki na hindi kayo ganon kadali makuha. Kumbaga makikita nyo yung effort kung gaano ba kami tatagal. PAKATATAG KAYO. WAG KAYO MADALA SA MGA PAMBOBOLA NAMIN.
We are in this generation of PINAGTAGPO LANG PERO HINDI INTINADHANA. NAGKATIKIMAN LANG AT NAGKAIWANAN. Kaya guard yourself. Basta yung buong pagkatao mo alagaan mo. Reserve it for someone who will be deserving.
2. LEVEL OF DEMANDS
You can’t force someone to do these things. To demand forcibly. Tapos kapag hindi mo nakuha yung desire mo, magagalit ka. Sa relasyon, hindi mo pwedeng pilitin yung partner mo na dapat ganito gawin niya kase ganito yung ginagawa mo para sa kanya. Dapat siya lang kausap mo kase ikaw lang kausap niya. Dapat iwasan mo yung mga taong ito kase sabi niya. Dapat ganito lang pwede mong/nyang suotin. NO! Hindi ka nya nanay o tatay. MAS LALONG HINDI KA NYA AMO!
Hindi porket magkarelasyon kayo, dapat sundin nyo ang gustong mangyare ng bawat isa. Magkarelasyon kayo dito, hindi niyo PET ang isa’t isa. Hindi kayo aso para magpatali. Tapos ano? Magsunud-sunuran na lang? Edi bili ka na lang aso kung gusto mo pasunurin sayo.
Kung pinapalayo mo ang partner mo sa mga taong mas nauna nya pang nakilala kesa sayo, well, lumayas ka na. Hindi ka nya kailangan. Hahaha! Mga kaibigan nya yon tapos pipigilan mo syang makasama sila? TAKE NOTE HA. MAS UNA NYANG NAKILALA YON KAYSA SAYO.
Sabi nga nung ex ko, “Ang tao, kahit anong higpit mo. Kahit gaano pang karami ang nabilin mo. Kung magloloko ito, gagawa at gagawa ng paraan para makapagloko siya.”
3. TIWALA
Kapag sinabi sayo ng partner mo na magtiwala ka lang sa kanya. MAGTIWALA KA! Kung lokohin ka man niya, tanggapin mo na lang, wala kang magagawa ee. Huwag ka mag-alala, hindi ikaw ang niloko niya. Sarili niya. At ikaw ang sinayang niya.
Don’t ever question their trust. Hwag mo hingin password sa lahat ng account nya. Kapag ginawa mo yon, dun nagsisimula mawala ang mga letrang T I sa TIWALA hanggang sa maging WALA. Tignan mo magulat ka na lang nagta-T*NG IN*H*N na lang kayo.
Basahin mo ulit sinabi ng ex ko sa saken. Sobrang nakakalakas ng loob. Hahaha!
4. CONTENTMENT
Hindi na siguro kailangan ng mahaba pang eksplanasyon para dito. MAKUNTENTO ka lang. Makuntento ka sa mga bagay na kaya nyang ibigay para sayo. Para sa relasyon nyo. Katulad nga ng mga unang nasabi ko, hindi mo pwedeng ipilit yung kung ano gusto mong mangyare lalo na kung ayaw nya non. Hindi magandang isumbat yung mga nagawa mo para sa kanya. And so on.
“Paano naman yung para saken? Pano ko ife-feed yung puso’t isipan ko kung puro na lang hahayaan ko na ganito ganyan. Hindi ba malulugi ako dito?”. Ibig sabihin lang non, ikaw yung mas nagmamahal. And kailangan mong maunawaan yun na porket ganito na yung nabigay mo ee ganyan na rin dapat yung nabigay nya. Hindi ganon yon.
You don’t need to brag kung ano na yung mga bagay na nagawa mo para sa kanya and hindi mo sya kailangang madaliin na dapat ganito na sya for you. Matuto kang maghintay.
Sabi nga, “Love is patient and kind. Love is not jealous or boastful or proud or rude. IT DOES NOT DEMAND ITS OWN WAY…” 1 Corinthians 13:4
5. MAKE YOURSELF READY
You need to prepare your heart, soul, mind and strength. Kase at the end of the day, tayo ay nasa mundong walang kasiguraduhan. Kung hanggang kailan ba kayo tatagal. Kung hanggang saan kayo dadalhin ng tadhana. Kung magpapatuloy ba kayo sa kasiyahan o mauuwi na lang sa kalungkutan.
It is hard to accept things. Kung bakit ka niya iniwan. Bakit kailangan nyang umalis. Bakit hindi ka niya nagawang piliin. Mahirap lalo na kung totoong mahal mo na talaga yung tao. Yung tipong umikot na yung mundo mo sa kanya. Siya na yung bumubuo sayo. Tapos bigla kang iiwan. Boom. Doomsday.
That is why you need to be ready. Yes, mahirap yung ACCEPTANCE. Pero dun na magsisimula ang lahat. Tanggapin mo yung reason niya. Tanggapin mo na hanggang dun na lang. Tanggapin mo na wala na siya. Mahirap but you need to. Para makausad ka naman. Maawa ka naman sa sarili mo.
You took the risks and sapat na yun. You have done your part. And if not, then bakit ganyan yung nagyare? Kase kung mahal mo talaga yung tao, sa umpisa pa lang kung magtatalo kayo, gagawa ka na ng paraan. Kung wala kang ginawa, then blame yourself. TANGGAPIN MO NA MAWAWALA SIYA KASI PINABAYAAN MO.
6. UNWANTED ATTACHMENTS
May mga taong dadating sa buhay natin na para bang siya na talaga. Yung tipong siya na yung makakasama mo habang buhay. Yung nakita mo na yung future mo na kasama sya. Yung ang saya saya lang.
Sabi nga nila, may magkarelasyon for 10 years bago ikasal, nagkapamilya pero naghiwalay naman. Meron naman been months na magkarelasyon, tapos nagpakasal agad. And hanggang ngayon, masaya sila at may mga malulusog na anak.
Yeah. Hindi mo masasabi kung siya na ba talaga si THE ONE. We’ll never know hangga’t hindi pa nagyayari ang mga bagay bagay. You only need to do is wait. And wait. And wait. Siguro matatagalan that’s why mag focus ka muna sa ibang bagay. Pag-aaral. Pagtatrabaho. Pagtulong sa magulang. Pagtulong sa community. And the best thing to do while you are waiting is offering yourself to God. Mag-serve ka sa kanya. Pagamit mo TIME, TALENT AND TREASURE mo. And I believe in the right time, si God na bahalang magbibigay nung right person for you.
But still, you will meet people na akala mo siya na talaga. Ipaparamdam niya sayo na special ka. But expect the unexpected. Iiwan ka. May mga taong ganon, pero for them is wala lang. Trip lang nila. May nangyari na lahat lahat, wala pa rin. Basta wala lang. Gusto lang nila. Ganon lang. As in mabubuang ka kakaisip na bakit, bakit, bakit. But yeah, sa umpisa pa lang guard yourself. Remember first point. Inteeeentions.
7. EMBRACE YOUR WORTH
Does your partner deserves all the PAGHIHINALA, PANANAKIT NG PISIKAL, PANLOLOKO, ETC…? Deserve nya ba yung mga masasakit na salitang binitawan mo sa kanya dahil sa sobrang init lang ng ulo mo? No! She/he doesn’t deserve you. Binatawan mo ng mga ganong salita yung taong mahal mo tapos ano SORRY na lang? Tapos bukas, okay na ulit? Mali yon!
Share ko lang sabi ng nanay ko everytime nag-aaway kami, “Anak, wag ka na mag-sorry. Kase ginawa mo na yan ee. Alam mong mali yon. Alam mong ayaw ko yon. Alam mong hindi kita pinayagan. Pero ano ginawa mo? Tinuloy mo pa rin. Tapos magso-sorry ka na naman tapos uulitin mo na lang ulit. Wag ka na mag-sorry.”
Kumbaga alam mo nang mali, huwag mo na ituloy. Kase magdudulot lang yun ng away ninyo hanggang sa magkasakitan kayo physically, emotionally and mentally. And you both don’t deserve it. Sounds he’s/she’s controlling you? No! Kung nagmamahalan kayo talaga, hindi mo makikitang kino-control ka nya. I believe kaya tayo minsan kinokontra ng partner natin kasi para sa ikabubuti mo, ikabubuti nya at ikabubuti ng relasyon ninyo. At kung mahal mo talaga siya, you’ll do everything to save your relationships.
Hindi porket mahal mo, kakalimutan mo na yung sarili mo. Dapat 80/20. Pwede mo siyang mahalin hanggang 80 percent lang pero always remember na yung 20 percent is nakalaan para sa sarili mo. You must know the things na DESERVE mo. Kasi kapag nagmahal hindi ibig sabihin non nakalimutan mo nang mahalin yung sarili mo.
Matuto kang mag-stay sa taong nandyan para sayo. Sa kabila ng lahat ng mga pinagdadaanan mo e nandyan sya para suportahan ka at gabayan ka. Yung taong taong hindi ka iniwan despite of your imperfections. Yung taong tinanggap yung buong ikaw.
We all deserve to be LOVED. Yung walang halong panunumbat. Walang halong kapalit. Nagmamahal ka ee. At kung totoong mahal ka rin ng partner mo, hindi mo kailangan manglimos ng pagmamahal sa kanya kasi kusa niya itong ipaparinig, ipapakita at ipaparamdam sayo.