Ikaw parin kahit ika’y lumisan
Categories Poetry

Ikaw parin kahit ika’y lumisan

San kaya ako kung wala ka?
San kaya ako patungo kung wala ang tinig mo
Babangon kaya ako pag malaman kong sa paggising koy wala ka?

Ikaw ang taong nagbigay kulay sa madilim kong kahapon
Ikaw yung taong nagsasabing “nandito lng ako palagi sa tabi mo”
Ikaw yung pumuno sa lahat ng pagkukulang ko

Masaya naman tayo sa simula.
Tayong dalawa’y nag-uusap na parang nagtutula
Nagtutula hanggang mata’y mapuno ng luha
Hanggang d na maitsura ang ating mukha

Araw-araw nga kitang hinaharana
inaawitan kasabay ng gitara
Inaawitan ng magagandang himig
kahit matuyo ang lalamunan at maubos ang tinig.

Pero d nagtagal bigla ka na lang nawala
Ang mukha moy d ko na makita
Akala koy ikay nasa tabi ko
Pero wala, wala, wala
Akoy parang batang gala
Naglalaro sa pagmamahal mong parang bula,
Na katulad ng bula, pag-ibig moy bigla na lang nawala.

Para akong isang tanga
Kaya kinalimutan kita
Pinilit ko ang sarili ko na kalimutan ka
Pinilit kung kalimutan lahat ng pangako mong d ka mawawala

Pinilit kong maging matapang
Mga luha sa mata’y pinunasan,
Nagsimulang maglakad sa kung saan-saan
Hinanap muli ang sarili
At naghanap ng kaligayahan sa sanlibutan.

Lumipas ang mga oras,
mga oras na naging araw,
araw na naging buwan,
buwan na naging taon,
Taon na di ko na maalala kung ilan
dahil akoy nalugmok na sa sanlibutan
hinahanap pa rin ang tunay na kaligayahang minsan ko nang naramdaman
hinahanap ang pag-ibig na minsay pumuno sa lahat ng aking pagkukulang.
Pero ikaw at ikaw parin ang nasa puso ko’t isipan.
Ikaw parin kahit na ika’y lumisan.