“Ipaglaban mo naman ako”

Napagod ka siguro
Napagod Kang mahalin ako
Pero sana lumaban ka man lang
Hindi ka sumuko kahit papa’nu

Alam mo ba, napapagod din naman ako
Napapagod kakaintindi sa’yo
Pero hindi ako tumigil na mahalin ka
Alam ko kasi ang pakiramdam na maiwang mag-isa

Sana ipinaglaban mo man lang tayo
Kahit ngayon lang, lalaban tayo pareho
Sana naisip mo, bakit ako kumakapit
Mahal kasi kita, kaya ko pinipilit

Ipaglaban mo naman tayo
Huwag ka naman mang-iwan ng ganito
Ipaglaban mo naman ako
Kahit isang beses lang, sasaya na ako

#Helium