Isa kang ganap na mandirigma.

Palagi ka na lang nababagabag o kinakabahan ng hindi mo maintindihan, mga tanong sa isip mo, bakit ganoon? saan nagkulang? paano? ang pinamasakit, bakit hindi ikaw?. Alam mo ba talaga na wala yan sa tagal ng relasyon o kinokontra mo lang dahil hindi mo matanggap, na sa isang iglap lang nagbago ang lahat at bakit ka iniwan?.

Oo, masakit, sobra ang sakit, sobra ang bigat, magulo ang isip, takot mapag-isa kahit tirik na tirik ang araw, naghahanap ng kalinga at makakausap. Walang salita ang makakapag pagaan ng nararamdam mo. Oo, masakit ang iwanan, sa kabila ng lahat, walang malinaw na sagot para sayo kung ano ang dahilan, kahit sinabi na nyang may gusto na siyang iba.

Tanggpain mo na ang katotohanan, sa bawat pag gising mo araw-araw, wala nang “KAYO”, huwag ka nang umaasa na mag me-message siya sa chatbox mo, huwag mong abangan ang pag-online nya, huwag mong ikulong ang sarili mo sa mga bagay na nakasanayan mo noon, hindi ka makakausad. Magmukha ka mang tae o kaawa-awa sa paningin ng iba, walang magbabago, mas lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo.

Alam natin gusto mo nang makawala sa hapdi at kirot, sa pasaning mabigat, tiisin mo lang, hindi pa yan mawawala. Lahat yan ay pagsubok na kailangan mong pagdaanan, pagsubok na ikaw lang ang may kakayahan na lampasan ang lahat. Gawin mo ang tama, gawin mo ang mga bagay na magbibigay sayo ng konting saya, dahil sa konting saya na yan magsisimula ang panibagong ikaw. Kung alam mong binigay mo ang lahat, wala kang pagkukulang. Pinatunayan mo lang sa sarili mo na masarap magmahal. Malaki man ang parte sa buhay mo ang nawala, lahat yan ang leksyon para sa bagong ikaw. Huwag mong hanapin ang kasiyahan sa ibang tao, oo, may mga kabigan ka, sila ay instrumento o daan para ipakita sayo ang realidad na ganda ng buhay. Maging malakas ka at matatag araw-araw. Ang bawat sugat ay humihilom sa tamang panahon. Isa kang ganap na mandirigma.

Exit mobile version