Isang Araw, Natapos Tayo
Categories Relationships

Isang Araw, Natapos Tayo

Sa mundo ng showbiz, papalit-palit ang magkarelasyon. Magugulat ka si Ate kinasal na pala kay Koya. Pero bukas makalawa, annulment na ang inaayos.

Wala tayo sa mundo ng showbiz. Pero sa tindi ng pagdeny mo sakin, tinalo mo pa ang kagwapuhan ni Keanu Reeves.

Nagsimula tayo bilang magkabatian sa trabaho. Madaming mutual friends, madalas magkasama sa inuman. Di kita gusto, di rin kita ginusto. Pero bigla kang nagparamdam. Persistent ika nga nila. Kamusta dito, kamusta don. Binibilhan pa ako ng pagkain, ng inumin, ng yosi. Wala akong ibang inisip kundi “Tropa lang kami” dahil alam kong may jowa ka. Ayoko makasira ng relasyon dahil ayoko mangyari sakin yun.

Ngunit nangyari ang di dapat mangyari. Unti-unting nahulog ang aking loob sa “tropa lang”. Hanggang sa umamin ka na gusto mo ko. At ako tong si Tangang umamin din. Isang araw tayong nag-usap maghapon, magdamag. Getting to know more of each other kumbaga. Pero hanggang dun lang pala yun.

Kinabukasan, ni ho, ni ha wala na. Naghihintay ako ng paramdam pero wala. Nagmessage ako pero seen lang. Hanggang sa di ko mapigilan ang sarili kong magmessage nang mahaba sa sobrang pagkamiss ko sayo. Pero ang sagot mo lang ay isang napakatamis na “Tigilan mo na ako. Kasama ko siya.” Natigilan ako. Di ko namalayan na tumulo ang aking mga luha. Di ako makahinga. Di ko alam anong nagawa ko at bigla kang nagbago.

Hanggang sa malaman ko may iba ka na. May iba ka nanamang pinapaibig. Masakit dahil nasanay akong andyan ka. Masakit dahil nasanay ako sa atensyong binigay mo.

Sobrang sakit dahil nahulog ako sa patibong mo. Dinaig mo pa ang kanta ni Imelda Papin na “Isang Linggong Pag-ibig”, dahil Isang araw lang, natapos tayo.