Sobrang tamis nung una mo kong nakilala

Mga ngiti mo na noon ay kay sarap maalala

Umagang ikaw ang bubungad at yakap mong ramdam ang pagtibok ng puso mong wariy akoy tinatawag.

Akala koy perpekto na mula nung una

Ngunit ngayon ang dami ko ng napupuna

Mga salita mong hindi kumpleto ang araw mo kung akoy wala

Ngayon na natitiis mong hindi kausapin para sakanila

Anong nangyari sa salitang hindi kita iiwan kailanman

Na ngayon puno ng tanong kung bakit heto nanaman

Sobrang hirap makipagsapalaran sa bansang hindi mo nakamulatan

Pero bakit ganun na lang sayo kadaling akoy kalimutan

Alam kong sa dami ng taong iyong nakikilala ako pa rin yung babae na pinangakuan mo ng walang hanggan

Napapatanong ako kung saan ako nagkulang, kung saan pwede kong dagdagan at punan ang mga araw na ikaw ay naliligaw

Naliligaw sa landas ng iba kapalit ng panandaliang pagkayamot at bugnot sa buhay na hindi kita kasama

Lagi kong hiling na sanay mapabilis ang panahon upang ikay mahagkan at maramdaman mo kung gaano kita kamahal.

Sadyang kaybilis ng panahon malapit ng mag isang taon

Isang taong pagtitiis upang tayoy makaahon sa panahong puno ng lungkot

Nasasabik na kong yakapin at hagkan ang taong sakin nagpabago

Nagpabago sa mundo kong dati ay sarado

Sarado sa posibilidad na makaahon sa sakit na dulot ng kahapon.

Konting panahon na lang buwan ay lilipas ngunit ikay akin nang mahahagkan

Yakap, halik at matatamis na ngiti na aking gustong Makita

Mga salitang namimiss na kita at mahal na mahal kita

Masasambit ko na sayo ng kamusta ka na ? Namiss kita ng sobra at Mahal na mahal kita.