Mula sa simpleng araw ng kahapon,

Naging makulay na bahaghari ang ating pagkakaibigan

Hindi man pilit na nakasalaysay

Iyo namang nabigyang saysay

 

Sa muling pagsapit ng umaga

Mga mensahe mo pa rin ang gustong makita

Tila ba mahika na gustong manlinlang

Sa puso kong ikaw ay nakalalamang