Sana’y tumigil muna ang ikot ng mundo

Nang sarili ay hayaang magmukmok,

Hayaang umiyak at ubusin ang mga luha.

Nakakapagod , nakakapagod, nakakapagod

Gumising na ayaw makabangon;

Bumangon na ayaw makalakad;

Lumakad na ayaw makangiti;

Ngumiti na di naman masaya;

Sumaya na minu-minuto’y naaalala ka

At sa pag-ala-ala ko sayo’y ako’y nangungulila.

Gusto kong magwala at sumigaw

Gusto kong magpahinga at matunaw.

Alam kong sa bawat araw ay kayraming kagaya ko

Gumigising, bumabangon, nabubuhay, ngumingiti

Ngunit ang puso’y umiiyak

Akala ko’y dahil dito’y mahina ako

Bagkus sa pagpiling bumangon araw-araw,

Unti-unting lumalakas,

Unti-unting nagiging bukas,

Unti-unting lumiliwanag.

At puso’y napupuno ng pagmamahal at pasasalamat.

Pero sandali lang…