Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Nakatingala sa kalangitan
Habang ang ‘yong hita ay aking inuunan
Masayang nagkwekwentuhan
Ng hinaharap na magkasama nating pagtatagumpayan

Eto…
Ang bagay na gusto kong gawin natin
Sa oras na landas natin ay pagtagpuin
Hindi ko alam kung kailan at saan
Basta ang alam ko,
Yun ang panahon na di natin aakalain

Mahal, kapag ako’y nalulungkot at unti-unting nawawalan ng pag-asa
Maaari mo bang hawakan lang ang aking mga kamay?
Kapag ako’y nawawala sa sarili at unti-unting nababalisa
Maaari mo bang yakapin lang ako ng mahigpit at magsilbing karamay?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Marahil hindi ako ang perpektong babae katulad ng inaaasahan mo,
Madalas ako magtampo,
Kapag ako’y nagagalit baka kita’y malumpo,
Hindi din ako magaling pagdating sa pagluluto,
Marami akong mga tanong tungkol sa mundo
At ang utak ko’y minsan ay pabago bago

Sa oras na makita mo ang tunay na ako,
Hindi ko alam kung gugustuhin mo pa ba ako,
Pero maiintindihan ko, iintindihin ko
Kung sakaling gusto mong lumayo

Kung sakali naman na naisin mo pading mahalin ang katulad ko,
Gusto ko lang sabihin na sana wag kang susuko,
Kung sakali mang pagod ka na, hahayaan kitang huminto pero sana wag kang lumayo
Sana intindihin mo padin ako sa abot ng makakaya mo

Pero mahal, may isa kong pakiusap sayo
Maaari bang wag ka munang magmadali papunta sa kinaroroonan ko?
Pagkat sa ngayon, alam ko
Na hindi pa ko handa lalo na ang puso ko
Mahal, gusto ko…
Pagdating mo,
Ako na ang babaeng nararapat para sayo

Hindi pa tapos ang proseso
Magtatagal pa to siguro,
Pero gusto kong malaman mo
Na hindi man natin alam ang mayroong naghihintay sa bukas
Pero makakasiguro naman tayong Sya ang may hawak ng bukas.
Kaya mahal, maaari bang hintayin mo ko?
Nananabik na kong ikwento lahat sayo,
Pero alam ko lahat ay may tamang oras at panahon
Hihintayin kita, sana mahintay mo din ako
Darating din yung tamang panahon
Naniniwala ako na hawak Niya iyon. 🙂

Send me the best BW Tampal!

* indicates required