Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

natatakot ka bang muling
buksan ang iyong puso?

baka takot ka lang pumasok sa susunod na kabanata
dahil ayaw mo nang masaktan

baka ayaw mo lang magpatuloy
sa pagbabasa
dahil sa walang katiyakan

pero malay mo
sa mga huling pahina ng iyong kwento

doon siya makukunteto
doon muli titibok ang ‘yong puso

magpatuloy ka sa pagbabasa
magpapatuloy ako sa pagsusulat