Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Mahirap talagang kalimutan

Kung nakatali ka pa sa nakaraan

Pilit mang iwasan

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Tadhana ang gumagawa ng paraan

 

Di sinasadya, nagkita tayo

Di ko batid ngunit yung puso ko

Napatalon bigla sa tuwa

Namiss ata kita

 

Binati kita

“Hi,” sabi ko

Tumingin ka sakin

Pero agad akong umiwas ng tingin

Oo umiwas ako

Baka kasi bumalik na naman

 

At tama, heto na nga

Yung feelings ko para sayo

Na sinubukan kong ibaon

Kumakatok na naman

 

May tinanong ako

At sumagot ka

Kung ano man yung sinabi mo’y

Di ko na maalala

Pero yung boses mo

Yung pamilyar na boses mo

Pero medyo mas malumanay

Pumalakpak yung tenga ko

Namiss ko rin yung boses mo

 

Kagya’t akong umalis

At hindi na nagpaalam pa

Parang di ko pa kaya

Na masyado kang kausapin

Di ko pa rin kaya

Na masyadong tumingin

Pero naramdaman ko na

Heto na

Bumabalik na ulit sya

 

Di ko pa ata nasabi sayo ito

Pero kanina ang gwapo mo sa paningin ko

Bagay sayo yung damit mo

Muntik na nga kitang lapitan

Buti napigilan ko yung sarili ko

Baka kasi magsisi lang ako

 

Hay nako naman

Ang hirap mag move on

Pano ba naman, nariyan ka pa

Nakikita

Nakakausap

Naiisip

 

Ano ba, bakit ganito ang puso ko

Di ko maturuan na kalimutan ka

Kasi dapat ko na talagang tigilan ito

Unti unti ko nang nagagawa

Pero napupunta sa wala

Kasi naman bigla kang nagpapakita

 

Yung puso ko

Ikaw pa rin ang tinitibok

Di ko na alam ang gagawin

Alam mo ba ‘tong nararamdaman ko?

Oo gusto kita

Di ko alam kung gusto mo rin ba ako

Wala ka kasing sinasabi

Kaya ayun inisip ko na lang na wala nga

At patuloy na sinasaktan ang sarili

 

Inisip ko na sinayang ko lang feelings ko

Kasi nagkagusto ako sayo at ikaw saki’y hindi

Kaya pilit kitang kinalimutan

Pero ang hirap

Di ko kaya

Di talaga

 

Ang lakas ng tama ko

Ang galing mo

Ano bang ginawa mo sakin?

Ang hirap na hindi ka mahalin

Kahit hindi dapat

Kasi walang kasiguraduhan

Pilit akong kumakapit sa kawalan

 

Kaya naman

Tulungan mo naman ako

Para matigil na tong paghihirap ko

Sabihin mo na

Kung gusto mo ba ako

Kung hindi man ang sagot mo’y okay lang

Basta’t malinaw

At para tuluyan na nga akong makabitaw

Kasi hanggang ngayon

Masakit mang aminin pero

Sa puso ko, ang tinitibok nito’y

Ikaw, ikaw pa rin

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required