Mahal, darating ka rin
Hindi kailangan madaliin
Hindi kailangan pilitin
Sa kanila’y hindi mo kailangan sumabay
Pag-ibig na tunay
Sayo ay maghihintay
Ibibigay ka ng Panginoon
Sa tamang panahon
Sa oras na hindi mo inaasahan
At pag dumating na ang araw na iyon
Walang duda, walang takot, walang alinlangan
Lahat sigurado, lahat papunta SAYO.

Hindi mo kailangan ipaglaban kung saan ka lulugar
Hindi mo kailangan magtanong kung bakit
Hindi ka iiwan kahit anong hirap mong intindihin,
Hindi na titingin sa iba dahil sapat ka na
Ikaw at ikaw lang ang pipiliin
Hindi sasadyain na saktan ka
At higit sa lahat,
Hindi mapapagod na sabihing “Mahal kita”

Hawak ang iyong mga kamay
Sabay tayong tatawa
Sabay tayong iiyak
Sabay tayong lilipad
Sabay tayong susugal at lalaban
Sabay tayong tatanda
Sabay nating titignan ang mga ulap
Sabay nating tutuparin ang ating mga pangarap

Ikaw na matagal ko ng hinihintay
Ikaw ang magbibigay ng kakaibang saya
Ikaw na matagal ko nang dapat kasama
Ikaw at ikaw lang
Kasama ang Panginoon
Wala ni isa ang maliligaw pa
Araw araw akong magpapasalamat
Dahil sa wakas, ibinigay ka na
Kahit saan man tayo dalhin ng ating paglalakbay
Dumating man ang kahit anong unos,
Araw araw kong ipapaalala sayo
Kung paano tayo nagsimulang magmahalan ng lubos
Anuman pagkukulang ay pupunan
Poprotektahan kita hanggang sa huling hantungan

Dahil kapag pinagbuklod ng Diyos
Hindi na kailanman maghihiwalay pa.