Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ikaw at ako
Ikaw na bumubuo sa araw ko.
Ikaw na pumapawi ng topak ko.
Ikaw na sandalan ko.
Ikaw na nagbigay kulay pa sa masaya kong mundo.
Ikaw na takbuhan ko sa oras ng problema.
Ikaw na walang sawang nakikinig sa sirang plaka kong kwento.
Ikaw na hindi hadlang ang distansya kapag kailangan kita.

At

Ako na nagpupuyat marinig lang ang boses mo.
Ako na excited sa Morning messages mo.
Ako na ngiting Aso sa mga waley mong biro.
Ako na handang maging sandalan mo.
Ako na hinahanap hanap ang boses mo.
Ako na natataranta kapag palapit na sayo.

Ako..

Ako na nahuhulog na ata sayo.

Hindi masaya si Ako kapag wala si Ikaw.
Malungkot si Ikaw kapag wala si Ako.
Hindi ko naman ito ginusto pero bakit nag eenjoy ako?
Hindi ko rin naman ito hiniling pero bakit parang lahat nasa right timing?
Hindi ko alam ang gagawin pero paano kaba mapapa-sa-akin?
May Ikaw naman at may Ako.
Pero bakit hindi pwedeng maging Tayo?
Pwede naman si Ikaw at si Ako.
Pero bakit di pwedeng ipagsigawan sa mundo?

Sabi nga, Sa relasyong walang label, mahirap nga namang ipusta ang puso.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat i-akto sa nararamdaman kong to.
Hindi pwedeng magselos dahil wala namang tayo.
Hindi pwedeng magreklamo dahil pareho natin tong ginusto.
Ginusto nating itago dahil ayaw nating mahusgahan ng tao.

Ikaw at Ako

Hindi pwedeng maghawakan
Hanggang usap lang.
Hindi pwedeng magtitigan hanggang sulyap lang.
Hindi pwedeng magsabihan ng matatamis na salita, dahil baka makahalata sila.
Hindi pwedeng maglambingan kaya ang kilig sinasarili nalang.

Dahil Ikaw lang at Ako.

Ikaw lang at Ako ang nakakaalam.
Sa mundo natin Ikaw lang at Ako ang nagkakaintindihan.
Kaya ang salitang Mahal kita binubulong nalang, mga salitang sa mundo natin tayo lang ang nagkakarinigan.
Ang usapan bawal magka developan.
Pero sa mundo natin tayong dalawa’y nagmamahalan.

Ngunit tila hindi na ata tama,
Dahil si ikaw at si ako ay napapagitnaan na.
At ang hatol Niya mundo nati’y sirain na,
Ang pag iibigang ito’y wakasan dahil tila nakakalimot na tayo sa Kanya.
Mali na mahalin kita higit sa Kanya,
Dahil pareho nating alam na Una Niya tayong minahal, sinakripisyo ang buhay, sa krus Siya ay namatay.
Sa pagmamahal na yun walang makakapantay.

Dahil hindi dahilan na Kristiyano ka at Kristiyano din Ako.
Dahil ang totoo, sa mata ng Diyos mali parin tayo, mali na ipag patuloy pa ito.
Dahil sinabi Niya Unahin mo ko bago ang Kayo.

Ikaw at Ako,
Wala na ang mundong itinayo natin pareho.
Pero Sa huli sana may ikaw parin at ako
Ikaw na inaantay ako
Habang ako’y nag aantay sayo.

Sa Ngayon ikaw lang muna at Ako
At wala munang tayo.