Bakit everytime na nagbrebreak-up ang couple pag tinatanong kung anong natutunan nila palagi nilang sagot,
“Self-love”
“Don’t give too much”
“Learn to love yourself first” and so on..
Sa totoo lang ang pagmamahal palagi kang bulag, totoo yan. Dahil pag mahal mo ang isang tao pikit mata mong gagawin ang gusto niya mapasaya mo lang siya. Hindi mo siya matitiis. Hindi mo siya kayang pabayaan. Uunahin at uunahin mo siya. Hindi mo mapipigilan ang sarili mong gawin ang kahit alam mong di mo kayang gawin. Walang makakapagpigil sayo hanggat mahal mo siya. Walang makakapagpahinto sayong mahalin siya hanggat mahal mo siya. Hindi mo alam ang tama at mali hanggat mahal mo siya.
Kung sinasabi nilang tanga ka hintayin mong sila din ang magmahal para masabi mong “Sino ngayon ang tanga?” Kaya nilang sabihin ang “Huwag mong ibigay ang lahat”, dahil wala sila sa sitwasyon. Pero pag sila na ang magmahal baka mas pa ang kaya nilang ibigay.
Pag nagmahal ka, magmahal ka lang. Huwag mong pigilan ang sarili mong gawin ang gusto mong gawin dahil sa huli tatanungin mo pa rin ang sarili mo kung “Paano kaya kung?”. Lahat ng gagawin mo may tanong ka. Lahat ng hindi mo gawin may tanong ka pa rin. Kaya gawin mo ang gusto mong gawin dahil yun ang ginusto mo walang nagdikta, wala kang sinunod na sino man.