Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Kapag nakahanap ka na ng babaeng sumeseryoso sayo, huwag mo na pakawalan pa.

Kapag nakahanap ka na ng babaeng sobra sobra kung mag-effort to the point na sya na yung nagmumukhang lalaki sainyong dalawa, huwag mo na pakawalan pa.

Kapag nakahanap ka na ng babaeng faithful sayo kahit wala pa kayong label, huwag mo na pakawalan pa.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kapag nakahanap ka na ng wife material, yung marunong magluto, maghugas, maglinis, yung papaalalahanan ka pa rin kahit inis na inis ka na, yung dadalhan ka ng foods, huwag mo na pakawalan pa.

Kapag nakahanap ka na ng babaeng sobra mag-alaga, huwag mo na pakawalan pa kasi baka dumating yung araw na mapagod yan wala ka na babalikan.

Ang mga babae bago ka sukuan, ilang kaibigan ang hiningian nyan ng advice pero ni isa wala syang pinakinggan hanggang sa puso na nya mismo ang mapagod dahil sa iyo.

Bago ka sukuan ng babae, sumuko na sya sa sarili nya kaya once na sukuan ka nya hinding hindi ka na nya babalikan.

Kaya hangga’t nasa sa iyo pa, matuto ka sana humawak nang mas mahigpit at huwag maisipan na bumitaw.

Bro, I’m telling you sobrang swerte mo kung ikaw yung minamahal nyan. Wala kang ideya kung ilang lalaki ang binalewala nyan para lang sayo tapos papakawalan mo lang. Hindi ka na makakahanap ng mas better jan bro kaya mag-isip ka muna bago ka bumitaw kasi hindi lahat ng bumibitaw may binabalikan.

Hawak mo na, bibitawan mo pa?

Pinapangarap ng iba yung hawak hawak mo, bibitawan mo pa?

Ikaw din baka pagsisihan mo yan sa dulo.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required