Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sa’kin mapapangasawa
Pasensya na, kung hindi ako sing gwapo ng nasa pelikula
Pero sana sapat na sayo yung kaya kitang mapatawa

Pasensya na, kung maliit yung pangangatawan ko
Pero sana sapat na sayo yung iinigatan ko ‘to
Dahil mahal ko ang sarili ko
Para mas kaya kong bigay sayo

Pasensya na, kung wala kong sasakyan
Pero sana sapat na sayo yung handa kita masundo kahit saan
Alam ko naman
mas masaya maglakad hawak ang kamay mo
Pero malay mo pagnabasa mo ‘to
Meron na ko

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pasensya na, kung minsan lang kita madala sa mamahalin restaurant
Pero magsabi ka lang handa kita paglutuan

Pasensya na, kung panget sulat ko
Pero sana sapat na sayo yung ikaw yung paksa ng tula ko

Pasensya na ,kung minsan madami kong ginagawa
Pero sana alam mong ikaw ang gusto kong kasama
‘Di ako makakalimot sabihan kang mahal kita kada umaga

Pasensya na, kung pasmado yung kamay ko
Pero sana sapat na sayo handa ko hawakan ang kamay mo
Hanggang pagtanda mo

Pasensya na, kung minsan magkakaroon tayo ng pagtatalo
Pero sana alam mo
handa kong patahimikin ang mundo
Makinig lamang sayo

Kaya para saking mapapangasawa
Pasensya na kung medjo matagal ang pagdating ko
Pero sana alam mo yung nararapat sayo!

Send me the best BW Tampal!

* indicates required