Nagsimula sa Hi? kamusta ka?
sinagot ng sino ka? bakit? kilala ba kita? hindi lumaon naging, hi gising ka na ba?
tumugon ng oo gising na, kumain ka na ba?

Lumalim ang gabi pati ang usapan lumalalim din
na kala mo walang bukas tila puyat hindi inintindi
sa bawat mensaheng ipinapadala
hindi namamalayang may parte na ng pusong nasasama.

humaba ang usapan hanggang umabot sa aminan
Umaming may gusto pero kailangan pang pigilan
Ano nga ba ang intention? sasagutin ba o wag na lang?
Hindi alintanang nahulog na pala. napa-oo at nadala sa matamis na salita.

nagsimula isulat ang kwento na may salitang TAYO
masaya at puro tawa, andami pa nating plano
tumagal ng buwan, taon ng hindi namalayan
Nag simula sa Hi! Kamusta, Hangang umabot sa simbahan ang usapan.

Pero hindi mo hawak ang pluma ng tadhana
hindi mo namalayan ang inta ay paubos na pala
kinabukasan pagising bumungad ang isang araw na maputla.
ang plano simbahan at dambana ay tila hangang plano nalang pala.

Lumisan ng walang paalam, walang nakakaalam ng dahilan.
sinubukan habulin, suyuin kung kinakailanggan.
Pero minsan hindi lahat ng alala ay kailangan hawakan,
May mga kailanggan ka ng bitawan at kailanggan ng kalimutan.

Insiip kung saan nagkulang, sinisisi ang tadhana bakit ka pinaglaruan.
Nagluksa. umiyak, uminom para makalimutan.
Ang isang kwentong nagsimula sa Hi kamusta?
Nag tapos sa isang Paalam.