Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Bumalik tayo sa simula
Bago natin nakilala ang isa’t-isa
Bago natin sinabi ang salitang ‘sino ka?’

Bumalik tayo sa una
Noong bago ko unang nasulyapan
Ang mapungay mong mga mata

Balikan natin ang panahon
Noong hiwalay pa nating nilalakbay ang mundo
Noong hindi pa naiisip ang tayo

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Bumalik tayo sa ating noon
Bago ang mga inakala nating sagot
Ay naging isang libong tanong

Bumalik tayo sa nakaraan
Noong hindi pa nagkakasakitan
Bago ang pag-ibig sa tabi ay iniwan

Bumalik tayo sa kahapon
Noong wala pa tayong sinasayang na pagkakataon
Para sana’y hindi na nangyari ang ngayon

Bumalik tayo
Nang hindi na masaktan pa dahil umasa
Ang sariling sa sulok ay nag-iisa

Bumalik tayo sa umpisa
At kalimutan ang lahat
Bumalik tayo at muli’y magsimula

Send me the best BW Tampal!

* indicates required