Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Kinakaya ko pang tiisin na ‘wag nang magparamdam, katuparan sa iyong kahilingan na mabuti pang lumubog na tayo sa isa’t isa kahit miss na miss na kita.

Kinakaya ko pang manahimik kahit ang dami ko pang gustong sabihin dahil alam kong pinipili mong mabulag sa katotohanan at hindi mo naman ako pakikinggan.

Kinakaya ko pa na makita kang masaya sa piling niya dahil mas mahalaga para sa akin ang kaligayahan mo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kinakaya ko pa na lumayo na dahil ayoko ng maging rason kung bakit naguguluhan ka.

Kinakaya ko pa na magpanggap na wala na akong pake kahit na sobra na akong nasasaktan.

Kinakaya ko pa na maghintay, umaasa na balang araw tayo ay magtatagpong muli para mahalin ang isa’t isa. 

Dahil sabi nga nila, kakayanin mo lahat para sa taong mahal mo.

Pero hanggang kailan ko ba kakayanin kung ang dulot ng pagmamahal ko sayo ay puro sakit at pagkawala ng sarili ko?

Send me the best BW Tampal!

* indicates required