Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Sumasagi pa ba talaga sa isip ng tao kung handa na siya makipagrelasyon? Ikaw, tinatanong mo pa ba ang sarili mo?
Sagot ng taong masaya sa kung anong meron sila, “Oo naman. Relasyon na rin naman ‘to. Hindi pa lang official. Ang importante, masaya kami.”
Sagot ng matagal ng nililigawan, “Sasagutin ko na, napatunayan na niya sarili niya.”
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
Sagot ng matagal ng nanliligaw, “Doon naman patungo kaya ko niligawan. Nag-invest ako ng oras at pera. I deserve a yes. Dapat lang maging kami.”
Sagot ng nagmamahal ng taong may mahal nang iba, “Oo, sana nga ako na lang e. Mas kaya ko siyang ingatan.”
Sagot ng nagmamahalan, “Of course. Mahal ko at mahal niya ko. Whatever happens, we can work it out.”
Syempre lahat ng ‘yan confident. (Maka-oo, wagas.) Kasi kapag nagmamahal ka, bigla kang nagiging superhero. You thought, you can conquer anything. And most of the time, you drop everything.
But in reality, malalaman mo nga ba talaga kung handa ka na? You can’t. Ang alam mo lang, gusto mo siyang makasama and that gives you the idea of being in a relationship. And the idea pressures your mind to be ready.
“Handa ako makipagrelasyon dahil handa rin ako masaktan.” Walang taong handa para doon. (Saan ka nakakita ng taong bago masaktan, nakalatag na ang plano kung paano magmove-on?)
Kaya kung sinabi mong handa ka na, think again.
You have to endure uncertainties in relationships. You have to be in control. Your awareness of your lack of readiness will help you build the wall you needed to protect yourself from anything.
Hindi ka ready. At dahil alam mo ‘yun, mas mag-iingat ka.