Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ikaw.
Sa mga mata mo ay aking nakikita
ang mga tala sa kalangitan,
na sa tuwing nagniningning
ay nais kong mahagkan,
Sa iyong bawat ngiti ay aking nasisilayan
ang pamumukadkad ng mga rosas,
at marahang paghalik ng ulan
na kaysarap pagmasdan,
Sa maamo mong mukha ay aking
natatanaw
ang paglubog ng araw,
Maging ang pagsikat ng buwan
sa yakap mong marahan.
Ako.
Hindi mo lang alam
kung gaano mo
pinapasaya ang aking mundo,
Ikaw ang pinakamagandang nilikha
ng Dakilang Maestro.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required