Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ang dami dami na ang nag rereklamo tungkol sa paasa at pafall. Maririnig mo ito sa mainstream media tulad ng Television shows, Movies, at pati narin sa mga Advertisment, gamit na gamit ang katagang ito. Syempre dahil nasa panahon na tayo ng technology lalo na ang mobile phone samahan mo pa ng social media at free data, halos lahat ng kabataan ay nakakapag post at nakakabasa ng mga bagay tungkol dito at ang iba ay relate na relate sa katagang ito.

Akala ko noon lalake lang ang nabibiktima ng mga ganitong pangyayari, pero ang totoo lahat na pala ay nakakaranas nito mapa pogi, maganda, at syempre yung alam mo na.

Nakakalungkot ding isipin na ang mga edad na sampung taon (10) hangang dalawang pung taon(20) ang mamadalas kong nakikitang nag rereact, nag popost ng mga memes at syempre isa sa mga feeling biktima.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Para sa ayaw makaranas nito at ayaw maging biktima ay meron akong limang bagay na dapat mong iwasan para di ka umasa at ma fall.

  1. Una, mag ingat sa mga sweet masyado pero di klaro sa intensyon.
  2. Mag ingat sa Friendly na nag chachat at mag tetext sayo hangang madaling araw.
  3. Mahilig mag heart reaction sa mga picture, my day at post.
  4. Mag ingat kay Mr.DJ na nandyan at i-cocomfort ka pag sad ka. lalo na kung opposite sex yan.
  5. Iwasan Mag assume.

Eexplain ko ito sa context na para sa mga kapwa ko lalake na nag babasa nito.

  • Yung una, Mga lalake naman bawas bawasan natin yung magiging sweet tayo sa mga babae. hindi ko nilalahat pero yung iba sa kanila syempre mag aasume, kasi naman nakikita nila na nag eeffort ka. Pero para naman sa mga kababaihan, minsan naman wag masyadong friendly. kaming mga lalake di naman kame mag momove o pupunta sa next step kung di nyo kame bibigyan ng mga sinyales o signal. pero sa huli clarify lang ang intensyon at mag karoon lang ng tamang boundaries.
  • Yung pangalawa naman ay yung pinaka talamak ngayon, ang pag chachat ng mahaba at matagalan. Sa dalas nyong nag chachat lahat ng bagay ay ginagawa nyo nang topic para makapagusap lang pero nag sisimula yan sa “hi, kamusta”, na okay lang naman kung di na talaga kayo nag kikita ng matagal, pero yung kakakita at kaka usap nyo palang e ganyan agad, aba! iba nayan. Ang punto ko dito magkakalabasan kase kayo ng emosyon kung saan pag merong di tama ang pag interpret ay may mag aassume at ma fafall. Pero sa huli use the tool (chat and text) wisely. hindi gawing libangan.
  • Pangatlo, mahilig mag heart reaction, totoo nyan wala naman talagang mali dito pero ang gusto kong i highlight ay ang pag interpret ng taong nakakarecieve nito. Pero uuwi sya sa pag aasume na mas ididiscuss ko sa pang lima.
  • Pang apat, hindi ko sinasabing mali ang ginagawa ng mga kaibigan na nag cocomfort ng kaibigan nya na nakakaranas ng problema, pero ang iniiwasan natin dito ay yung pagkakaroon ng malalim na attachment, emotionally sa isang tao. dito kase mag oopen yung mindset na, “okay to, ang bait, may pakialam sakin at pinapahalagahan nya ako”. gusto ko na sya. at sa huli ma fall at mag aassume. kaya ang masasabi ko lang itigil na hangang kaya pa.
  • At ang pang huli, ang pagiging assumero, yung wala naman dapat meaning ang hilig mag lagay ng meaning, yung wala namang malisya pero ang lakas mag lagay ng malisya. Alam nyo ito talaga ang ugat ng problema bukod sa wlang clarification, kaya may nafafall at napapa asa.

Ang lahat ng ito ay papunta sa isang dahilan. Ang paghahanap ng tao ng pag mamahal na mag pupuno sa puwang sa puso nila. Pero kung maiintindihan lang ng mga taong ito na may nag mahal sa kanila ng sobra sobra at nagplano ng buhay nila sana okay sila ngayo at sino ito? Yun ay si God, na hindi paasa pero pa fall. Pero sisiguraduhin Nya na sasaluhin at mamahalin ka Nya. at sure ako na pag nakilala at nalaman mo na ang pag mamahal nya maalis na yung pagiging assuming mo.

Dasal ko sa nakakabasa nito na nawa wag na kayong mabiktima ng maling akala sa pagmamahal bagkus maranasan nyo ang pagmamahal na walang hangan. bow.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required