Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Minsan nakakalito na kung ano ang dapat sundin.
kung puso ba o isip?
O ung payo ng kaibigan kong marupok din
kaso napansin ko ung payo nya ehh galing din sakin

Minsan nakaktanga din,
alam mo naman kasi kung ano ung dapat gawin
kaso mas madalas katangahan ung pipiliin
ung kahit alam mong masusugat ka hahawakan mo parin.

Mahal mo lang ba talga kaya pinipili mong maging tanga?
o tanga ka lang talga at pinipilit mo na mahal ka nya?
Parang masakit pag binasa ko ung pangalawa
kaya sige mag pakatotoo tau dun tayo sa una

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


hindi iniinda ung sakit na tipong gumuguhit na
hindi ka na makatulog kakaisip kung ikaw lang ba
hindi mo na maramdaman ung init sa yakap nya
para kang nagkape na nagyeyelo yung tasa

Okay lang maging tanga pero wag mong gawing libangan
okay lang din umasa basta merong aasahan
Okay lang din ung paminsan minsan sarili mo naman
kasi mas madalas ka magbigay kahit wala ka ng laman.

Hindi masamang sumuko pag alam mong talo ka na
kasi mahirap lumaban ng ikaw lang mag isa
Kahit ang pangako nyong dalawa ay..
Ay pangako lang pala

Send me the best BW Tampal!

* indicates required