10 THINGS TO KNOW ABOUT LOVE | Jireh Maniego

REAL LOVE comes from the Father & not from your partner. When you know the real source of love then you have nothing to worry about life. May partner man or wala, your HEART is FULL & COMPLETE.

LOVE IS A CHOICE, not a feeling — Kapag based sa ‘feeling’ mahal mo siya noon, hindi kana sigurado kung mahal mo pa din siya ngayon. Tandaan, minahal at mamahalin mo ang isang tao dahil mas pipiliin mong mahalin kung sino man siya at sa anumang sitwasyon ninyong dalawa gaya ng pagmamahal ni Kristo sa ‘yo, UNCONDITIONAL hindi EMOSYONAL.

‘Ang tunay na pag-ibig marunong maghintay’ Hindi nakikiuso, hindi nakikibagay lang sa mundo. Hindi dahil okay naman siya kung hindi okay ka naman para sa kaniya. Be at the best version of yourself first.

‘Ang tunay na pag-ibig hindi nagtatago’ Kapag tinago, may mali. Kapag tinago, walang peace. It all starts here, “delete mo convo/picture naten baka makita niya/nila” Once you’re doing this act, then you’re at the wrong track. MALI YAN, ITIGIL NYO NA!

‘Ang tunay na pag-ibig marunong magpatawad’. We are all a work in progress & yes, we’re not perfect not to forgive someone. Kung hindi ka marunong magpatawad, isa lang ibig sabihin nito — HINDI KA MARUNONG MAGMAHAL . Dahil kalakip na ng pagmamahal ang pagpapatawad.

LOVE HAS A SISTER & HER NAME IS ‘PURITY’ Sana maging pangarap lahat ng babae ang lalakad sa altar na pure by heart & by flesh sa harap ng Lord. Hello, MEN! Guard & respect the purity of your partner! Maging blessing ka hindi temptation! Know your limitations, men! May JESUS be honored in your friendship, courtship, relationship til marriage. PS: Pangarap ko sa buhay ko ‘to

‘Ang tunay na pag-ibig alam ang tunay na purpose.’ As for me and my house, we will SERVE the LORD together! Go back to your purpose as an individual then if that so, you’ll know your purpose as a couple as well. Mas maganda ang relasyon kung alam ang tunay na direksyon. ✔️

‘Ang pag-ibig may flaws & imperfections’ Sa ganitong sitwasyon mas pipiliin mong tumanggap, matuto at lalong lalo na ang umintindi. Kaunting tampuhan lang, give up na? Hmm, not so healthy.

LOVELIFE na may pure love, hindi LOVELIFE na fake news. Purong pagmamahal, serbisyong totoo lamang. Wag mong sasabihing mahal mo siya kung lolokohin mo lang din pala. MARK YOUR WORDS

LOVE IS…

‘JESUS COMPLETED ME EVEN BEFORE I MET YOU’ NOT ‘YOU COMPLETE ME’

Tandaan, walang durog na puso ang makakapagbuo sa isa pang durog na puso kung hindi BUONG puso lamang at iyun ay matatagpuan kay Hesu Kristo. Ang LOVELIFE bonus lang ‘yan, dumagdag lang yan. Kumpleto kana bago pa Siya dumating.

If Christ Jesus is the LORD of your life, then you have nothing to worry about it regardless of what season you are IN — be it single status, in a relationship or married life.

Hi everyone! God bless your heart but above all, learn to guard it for it is the wellspring of life.🍃