Gusto mo rin ba ako?

61

“heya”

“sandali lang ha, talk tayo after neto miss na kasi kita eh.”

“Wala na kasi akong gana mag tampo sa’yo. Tsaka ayoko narin.”

“Okay ka lang ba? Sinong nagpaiyak sa’yo?! Sabihin mo susuntukin ko siya para sa’yo. ”

“Punta ka graduation ko ha? Pag andon ka, ako na yata yung pinaka masayang gwapo na tao sa buong mundo.”

Minsan gusto ko narin mag assume na baka gusto mo rin ako. The way you treat me is always different from the other girls. Pag magkasama tayo trinatrato mo akong parang isang prinsesa. Given na ganyan ka sakin kasi CHILDHOOD FRIEND kita. Simula bata pa tayo kilang-kilala na natin yung isa’t-isa.

Highschool pa lang tayo sinabi ko na sa’yo yung nararamdaman ko sa’yo. Sabi mo pa nga sakin “ganon ba? Sorry hindi ko alam yung irereact ko” pero okay lang kasi alam kong may gusto kang iba non.

Nakapag tapos ka ng highschool tsaka lang nawala yung feelings mo sa babaeng iniiwasan ko. Iniiwasan ko siya kasi may gusto ka sakanya at hindi sakin. So nung nawala na yung feelings mo sakanya nag take action na ako. Sinabihan kita ulit na may gusto ako sa’yo pero ganon parin yung sagot mo. Again, okay lang kasi alam kong wrong timing kasi busy ka na.

Isang gabi nag chat ka tapos sabi mo “vc tayo miss ko na kasi yung kakulitan mo eh” hindi na ako nagpatumpik at ako na mismo ang tumawag sa’yo. Umabot tayo ng 11 pm sa kaka tawa at chikahan. Pero bago ko na ibinaba ang call sinabi ko sa’yo na “Bal, pag tumawag ka ulit ibig sabihin may nararamdaman ka na sakin. Pero pag hindi ka na ulit tatawag ibig sabihin wala. Ingat ka lagi bye!” at tsaka ko na binaba ang call.

Lumipas ang dalawang buwan tumawag ka. Na excite ako kasi baka eto na yung time na gusto mo na ako, na may nararamdaman ka na sakin. Nung sinagot ko yung tawag ibang boses ang bumugad sakin, boses ng bestfriend mo ang narinig ko t sabi ko “oh ikaw pala toh friend, kala ko si Bal toh eh.” ta’s sinagot niya lang ako ng “may iba na siyang mahal friend. Ginamit ko account nuya para tawagan ka kasi alam kong sasagutin mo kagad. Sorry friend, ingat ka nalang lagi God Bless.”

The moment i knew you had someone better than me dun ko narealise na kahit gaano ako katagal maghihintay sa’yo, kung hindi mo ako gusto hindi mo talaga ako gusto.

Eto lang gusto kong sabihin sa’yo.

Kahit may mahal ka ng iba hindi parin ako napapagod na mahalin ka.

You were a blessing to me and I don’t want my blessings to be wasted. In short I wont waste my time thinking about how bad it is you not loving me back because you wouldn’t be the person you are today a happy go lucky Bal I’ve met throughout the years.

hanggang sa muli, Bal.

Blessing ka, tandaan mo yan.