Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hinihintay kita pero hindi mo alam

hindi mo alam,

kasi hindi pa naman tayo nagkikita

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


hindi mo alam,

pero tuwing naiisip kita

gumagaan ang puso’t isip ko

dahil sayo,

nagkaruon ng pag- asa

dahil sabi nila napakabuti mo

sabi nila napaka maka-Diyos mo

at sabi nila bagay tayo.

Akala ko wala na kaong makikitang tulad mo

sana nga.

tama sila

dahil alam mo ba?

pinagdarasal kita

hula ko sinasambit din nila ako sayo

sana lang mahintay mo ako

sana lang pareho tayo

sana lang kinikilig ka din

tuwing naiisip mo ako;

nagdarasal na baka tayo nga

na sana nga

ikaw na

hayaan mo,

malapit na

magkikita rin tayo

at sana pag dumating ang araw na yon

handa kana,

na tama na ang tandhana

kasi ang tagal kitang hinintay

alam mo ba?

ang dami kong lalaking sinantabi

dahil hinihintay kita

dahil alam kong worth it ka,

na God’s best ka

at ngayon andiyan kana

sana tama na ako para sayo

sana tama tayo

dahil ang Diyos ang nagsabing “Oo”

at hindi ang mundo.

Hintay lang.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required