Hindi masabi ang nararamdaman
Pilit na tinatago kahit nasasaktan
Pero ayos lang, sapat na kahit kaibigan lang
Masaya ako sa kung ano ang meron tayo
Masaya ako sa iyong pakikitungo
Masaya ako kapag masaya ka
Masaya ako kapag kasama kita
Pero kahit ganito ang nararamdaman
Sana dumating ang panahon na iyong malaman
Sana dumating ang panahon na iyong maramdaman
Kaibigan ako'y nahulog na sa iyo ng tuluyan
Ngunit nagpasya akong itago na lang
Takot ako na baka may magbago
Takot ako na baka ika'y lumayo
Takot ako na baka magwakas ang ating pagkakaibigan
Takot ako na baka mawala ka ng tuluyan
Kaya gagawin ang lahat wag ka lang mawala
Kung pwede lang kung pwede lang naman